GOLASC -CHAPTER 17

802 17 3
                                    

Carol's POV

Dahil sa magkaklase sila sa isang subject na 3 times a week ang klase ay parang aso't pusa ang peg nitong si ara at thomas. Kalurks nga eh!Hamakin mo,  kapag magkatabi sila ay kulang na lang ay patayin ni ara itong si thomas ng irap, sabunot o kung ano ano pa. Brutal nya po noh?

Anyways, itong si thomas naman ay araw araw namang inaasar itong si arabels hanggang sa magkapikunan na silang dalawa. Sawang sawa nga nga ko sa pagiging referee pag mag away ang dalawang to! Hay naku, kabawas lang nang ganda.
Katulad naman ngayon.

Ara: ugh! Bwisit bwisit naman to oh.

Pano ba naman , puno lang naman ng glue at chewing gum ang tshirt at jeans nitong si ara. May tao kasing walang magawa sa buhay na dinikitan itong arm chair niya kaya kumapit ang bubblegum at glue sa damit nya. Ang hirap kayang labhan yan.Pati nga buhok nya hindi pinalagpas dahil basang basa na rin ito ng glue

Ako : Baks, anyare sa damit mo.at sa buhok mo? Sino kayang gumawa yan sayo? Baks, may spare tshirt at jeans ako sa locker ko. Kukunin ko muna ha. Para makaligo at  makapagpalit ka na. Ang lagkit mo na kasing tingnan eh.

Ara: baks,,thank you talaga. Youre my lifesaver talaga(sabay yakap kay carol)Humanda sa kin ang unggoy na may gawa nito. Grrrrr....

Ako : no biggie, baks hehehe. Gogora na ko sa locker ko. Para makapagpalit ka na. Kasi humahagalpak na sa tawa ang mga timawa nating classmates. Kapal ng mga pez na tawanan ka ( yakap pabalik kay ara)

Nagdali dali na akong  bumaba patungo sa locker ko. Kawawa na kasi si bully. Kung sino ba namang bugok na gumawa nun kay arabels, sana makarma naman sya.

Ara's POV

Ano ba namang kamalasang nangyayari sa akin?!Ang lagkit lagkit ng pakiramdam ko. Basang basa kasi ang tshirt at pants ko ng glue pati rin ang buhok ko . May mga bubblegum pang nadikit sa damit ko. Kaya eto tuloy,  sentro ako ng tukso at tawanan ng mga kaklase ko.

Kainissss! Kung sino man ang may gawa nito sa akin ay patay talaga sya sa akin.  Samantala, napadako naman ang mata ko sa bansot na walang tigil at sapung sapo pa ang tiyan sa kakatawa. Mukhang alam ko na kung sino ang salarin sa mga nangyari sa akin ngayon..

Ara:Hoy bansot!  Wagas kang makatawa ah! Siguro tuwang tuwa ka sa nangyari sa akin noh?!

Thomas:(tumatawa nang malakas)bwahahaha!  Eh kasi,hahahaha. Mukha kang timang ! Hahahaha. Lagkit lagkit mo, bwahahaha.

Timang pala ha!

Ara: (batok at sinuntok sa mukha si thomas) leche ka!  Alam ko naman na ikaw ang may pakana nito.  Napakatindi ba talaga ng galit mo sa akin at ginawa mo to?!. Ano, masaya ka na?! At napahiya mo ako sa harap ng mga kaklase natin?!  Pwes, congratulations! (Sarkastiko nitong sabi) for a job well done. eto naman ang pabaon ko sayo ( suntok muli sa mukha ni thomas) Goodbye thomas torres!(lumuluha sabay lumabas ng classroom)

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na umiyak. Ni minsan sa buhay ko ay hindi ko pa naranasan na mapahiya lalo na sa harap ng maraming tao , NGAYON PA LANG! Nang dahil lang doon sa bad first encounter namin, gaganituhin nya pa ko? Na kung sa bagay naman ay sya rin ang may kasalanan. Dahil nga galit na galit ako ay hindi na ko bumalik doon sa classroom.  Kaya't nagpasya akong pumunta sa Razon kahit na rinig ko ang bulung bulungan ng mga taong nakakasalubong ko habang tawang tawa sa itsura ko ngayon.  Kahit nga ako ay hiyang hiya para sa sarili ko.

Nakarating naman ako sa Razon sa floor kung nasaan ang mga lockers namin na mga volleyball players. Nandoon rin pala sina mika at cienne na siguro ay free cut ngayon.

Mika:(nabigla sa itsura ni ara) daks! Anong nangyari sayo?  Bakit ganyan ang itsura mo?

Hindi ko mapigilan ang pagbuhos ng emosyon ko kaya lumapit ako sa kanila at biglang napaiyak.

Cienne: ara,bakit ka umiiyak? Sino ba ang may gawa sayo nito?

Maya maya ay bigla namang dumating si carol na halatang napagod sa kakatakbo.

Carol: ara, kanina pa kita hinanap. Akala ko nga nandoon ka pa sa classroom natin. Nang dumating na si sir ay nagdahilan na lang ako na sumama ang pakiramdam mo kaya't sasamahan kita sa dorm para magpahinga. Mabuti nga inexcuse nya tayong dalawa sa klase. Dinala ko na rin ang bag mo.(nakitang umiiyak pa rin si ara)baks, narinig ko sa mga tsismosang kaklase natin na nagkainitan daw kayo ni thomas kanina?care to explain ?kasi waley akong idea sa mga nangyari kanina eh.

Umupo na nga kaming apat sa bleachers at doon ko na kinuwento ang lahat sa kanila;from  our fbad first encounter hanggang sa nangyari sa amin kanina ni thomas. And as expected, wagas lang kung makareact tong tatlo kong mga baliw na kaibigan.

Mika: Ano?! Ginawa nya yon?! Leche yon ah! Nasaan na yon at reresbak kaming mga kabullies mo sa kanya!

Cienne: Hala,  ginawa nya yon sayo? Akala ko pa naman mabait siya?  Salbahe pala.  Pwes,hindi ko na sya crush!

Carol: baks,sorry talaga at hindi kita nagawang ipagtanggol sa kanya. Huhu(umiiyak)

Kahit na badtrip ako sa mga nangyari sa akin ay parang nabawasan ang galit ko. Kasi nandyan ang mga kaibigan ko na nagmamahal sa akin at syang mga karamay ko lalo na sa sitwasyong naaapi o nasasaktan ako.
Kaya niyakap ko sila at nagpasya na kaming umuwi sa dorm tutal 6 pm pa naman ang training namin mamaya.

SOMEONE'S POV

Ano namang itong tsismis na naririnig ko? Sabagay mabilis talaga ang pakpak ng balita lalo na sa mga taong walang magawa sa buhay kundi sumagap ng tsismis. At wow ha, involve pa ang Ex boyfriend kong si thomas at ang major epal sa buhay ko na si ara galang.

Nagtatanong kayo kung bakit Ko sya tinawag na epal? Simple lang. Dahil simula pa noong elementary hanggang sa highschool ay kalaban ko na sya sa lahat ng bagay. Palagi na lang sya ang bida sa lahat. Matalino rin naman ako ah, maganda at seksi rin naman. Pero bakit pangalawa pa rin ako sa lahat ng bagay? Sya palagi ang valedictorian, samantalang salutatorian lang ako. Siya lagi ang pinupuri ng lahat samantala ako palagi ang lumalabas na kontrabida sa kanya. Hinahakot nya ang first place sa lahat ng mga quiz bee sa school samantalang 2nd place lang ako palagi. UmiMVP sya sa mga volleyball leagues sa school at sa Pampanga samantalang ang achievement ko lang ay ang pagiging cheering captain ng school. Syempre sya palagi ang bumibida habang ako naman ay  hindi. Ano ba mayroon ang babae na yan na wala sa akin?

Nang narinig ko ang nangyari sa kanya ay labis ang tuwa ko .Pwe!Bagay lang yan sayo ara!pabida ka kasi reh, di kanaman kagandahan.

At parang umaayon sa akin ang tadhana. Lalo na na involve ang tanga kong ex na si thomas na obviously ay patay na patay pa rin sa kakahabol sa akin. Ako mismo ang nakipagbreak sa kanya. Ang boring nya kasi eh. Kaya gagamitin ko si thomas para makapaghiganti sa victonara galang na yon. Kaya sa huli ay ako pa rin ang magwawagi habang sya ay magiging miserable at luhaan.

This is the start of my revenge ara(grins)At sisiguraduhin kong hindi ka magiging masaya. So you better get ready victonara.Sa mga gagawin ko sayo,tiyak na magiging wasak ang puso mo. Akin pa rin ang huling halakhak( evil laugh).

A/N: Oh noes! Crayola mode si ara dahil sa prank na ginawa sa kanya ni thomas? May gantihan pa bang magaganap? Or may reconciliation kaya? Abangers ang susunod na kabanata: )

At may epal na naman na eeksena sa buhay ng ating mga bida? Sinetch kaya siya at bakit ganern na lang ang kanyang galit kay ara?

Btw, thank you so much sa nagbabasa nito. Please read my new oneshot collection.  Miefer po siya. tHanks

Please do follow me on twitter @jeeeessssa.  Chika tayo doon mapathomara man yan, miefer or anything related to uaap volleyball or basketball. :)
GOD BLESS YOU

Give Our Love A Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon