GOLASC-CHAPTER 62

529 28 10
                                    

ARA'S POV

.

.


.

.


I am now sitting in a rocking chair, currently humming my favorite song, yellow by coldplay.



After taking an off, or rather, pagresign sa trabaho, tahimik naming nilisan ni Yvo ang magulong buhay sa Maynila. Alam ko kasing hahanapin at hahanapin ako ni Thomas, para hingan ng eksplenasyon lalo na sa nangyari sa amin sa Hotel.



Isa pa, I have a reason kung bakit kailangan kong magpakalayo layo kasama ni Yvo...



Dahil sa pangalawang pagkakataon, DALA DALA KO ANG ANAK NI THOMAS.




It has been five months since nalaman ko na buntis ako muli.




Sa pagkakataong ito, alam na alam ng pamilya ko ang nangyari sa akin.


.


.



.


FLASHBACK: 



Magkahalong pagod at puyat ang nararamdaman ko ngayon. Pagkabalik ko galing ng Amerika, agad akong umuwi  ng Pampanga dahil doon ko iniwan si Yvo kina Mama habang nandoon ako sa conference. 



Ako: ( knocks the door)


After some knock agad naman akong pinagbuksan ng pinto



Mama: Si...Sino... A--Ara Anak?  Ba't hindi ka naman tumawag na ngayon na pala ang uwi mo?  Tingnan mo, napagod ka pa. Bakit madaling araw ay bumiyahe ka pa?Ipinasundo na sana kita sa Papa o Di Kaya sa Kuya Djun mo. Akin na nga yang gamit mo anak, alam kong pagod ka pa sa pagbiyahe. (Sabay buhat sa maliit kong maleta)




Agad naman kaming pumasok sa bahay...



Ako: Si Yvo, ma? Tulog pa ba?




Mama: Oo nak, tulog pa yon.  Nandoon siya sa kwarto ng Kuya mo.  Nak, ba't naman napaaga ka ng uwi?  Pano yung trabaho mo sa Maynila Anak?  Nakapagpaalam ka ba kay Thomas na uuwi ka?




Naku... Paano ko ba maipapaliwanag kay Mama na nagresign na ko sa trabaho ko?  Lalo na yung dahilan kung bakit ka bumitiw sa trabaho.



Kahit kinakabahan ako, Kailangan kong sabihin sa kanya ang totoong dahilan. 


Ako: Ma,  pu- pwede ka bang makausap?



Mama: Ano ba yon nak?




Ako: Ma, nag-re- resign na ko sa kompanya ni Thomas.. Di- Dito na ulit kami ni Yvo sa Pampanga Ma.




Mama: Anak... Ba't naman biglaan yang pasya mo? ( Held my shoulders) Sabihin mo nga sa akin Victonara, May nangyari ba habang nasa convention kayo ng boss mo? Paki orient naman ako nak sa mga nangyari




Pumiyok ang aking mga mata habang nag uusap kami ni Mama. Maya maya pa, humagulgol na ko sa harapan ni Mama




Ako: ( sobs ) Ma... Nagpatanga na naman ako.. Ma-- May nangyari Ulit sa Amin ni Thomas Ma .... Ma... Kaya napagpasyahan kong bumitiw na sa trabaho da..dahil hindi ko alam ang gagawin ko..  Hi..hindi ko alam kung may mukha pa akong maihaharap ka kanya... Ka-- Kasi kahit na pilit ko pinapasok kukote at puso ko ang galit dahil sa ginawa niyang panloloko sa akin noon, Nagpadarang pa rin ako at muli kong isinuko ang sarili ko sa kanya... (hagulhol) Ma...  Sorry..  dahil nagpatanga ulit ang an..anak mo...
(Sabay yuko )




Give Our Love A Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon