GOLASC-CHAPTER 64- THE MOMENT OF TRUTH

741 31 15
                                    


.

.

.

Continuation....

ARA'S POV

.

.

.

.

Halos sigawan ko yung Mamang Taxi driver na paliparin ang taxi na kanyang minamaneho papuntang ospital.

Ako: (hagulgol)   Mama, huhuhu....  Ano kayang nangyari sa anak ko mama... hindi ko talaga kakayanin kapag may masamang mangyari sa anak ko. 

Mama : Anak, pwede bang huminahon ka muna? Kumalma ka, hingang malalim,  baka makaapekto sa mga bata ang labis na stress. ( turns to driver)   Mama, pwede po bang pakibilisan ang pagmamaneho niyo?

Ako: Hindi po ako makakalma hanggang di pa ko makarating ng hospital.Anak ko ang pinag uusapan dito!  Kuya, maawa ka, paki Bilisan niyo na lang po ang pagmamaneho, pwede po ba yon?!

Kahit na nasisigawan ko na ang mamang driver,tila la na qkong pakialam. Ang importante ay makita ko ang anak ko.  Ayokong isipan na may masamang nangyari sa anak ko.  Diyos ko, tulungan niyo po ang anak ko. 

.

.

Kung hindi lang ako buntis,  malamang kumaripas na  ako ng takbo sa emergency room. Pagkababa ng taxi, binilisan ko na lang ang paglakad.

Sinalubong ako ng teacher ng anak ko

Ako: Mam, ano po ba ang nangyari kay Yvo? Bakit niyo ba siya isinugod ng ospital?

Teacher: Ms. GALANG,  mabuti po ay nakapunta po agad kayo dito sa ospital. Kasi po, kanina, habang nag pe.P.E po kami, bigla na lamang pong dumugo ang ilong ni Yvo. Tapos pagsalat kosa noo niya, ang init init po niya. Bigla rin po siyang nanghina at namutla.  Kaya po isinugod namin siya sa ospital.  Medyo nahirapan pa kami sa paghanap ng masasakyan papunta dito.  Yung school bus po kasi,  wala dahil ginamit sa field trip ng Grade six pupils. Mabuti na lamang po ay may tumulong po sa amin at nagboluntaryong isugod si Yvo dito.

Ako: Maaari po bang malaman kung sino po ang tumulong sa anak ko?  Para naman pong makapagpasalamat ako sa kanya

Teacher: Ay opo. Ang bait bait po talaga ni sir Ms. Galang.  Halos paliparin niya nga ang kotse para agad naming maisugod dito si Yvo. Ay nandoon po pala siya sa ikatlong bed,  binabantayan po si Yvo.

Agad naman kaming pumunta sa Lugar kung saan naroroon ang anak ko. Nakatalikod sa gawi namin ang taong tumulong sa anak ko.

Teacher:  Ay sir, nandito na po ang nanay at lola ng batang tinulugan niyo po. Maraming salamat po sa pagtulong na maisugod ang pupil ko dito sa ospital.

I had the biggest shock of my life nang makilala ko kung sino ang tumulong sa anak ko.

Bakit sa dinami daming tao sa mundo , bakit siya pa?

.

.

.

Thomas ' POV

Today is another busy day for me... Busy, dahil gusto ko maging abala sa mga trabaho sa opisina. It is another way for me to cope up with my own problems.  Para kahit papano, makalimutan ko ang pagiging gago ko dahil sa mga maling desisyon sa buhay.  Lalo na sa amin ni Ara. Kung hindi ako naging gago't tanga, malamang may pamilya na akong binuo kasama ang babaeng siyang lahat sa buhay ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 24, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Give Our Love A Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon