Ara's POV
Ang una kong ginawa ay humingi muna ako ng permiso sa mga cooks sa activity center para mapagbigyan nila akong ipagluto si Thomas ng macaroni Soup pati na rin ang mga team mates niya since may stock naman kami ng supplies doon sa ref na nasa kwarto namin..
Nang pumayag na sila ay agad naman akong nagpasalamat sa kanila.
Sinimulan ko ng maghiwa ng sibuyas,bawang, repolyo, carrots at patatas. Pinalambot at Hinimay ko na rin ang manok na ihahalo ko sa soup.
Sa hindi nakakaalam ay hindi lang naman paglalaro ng volleyball ang alam ko. Marunong akong magluto sa kusina dahil bata pa lang ako ay tinuruan na ako ni papa. Ipinamulat niya sa akin na dapat ang babae ay magaling sa mga gawaing bahay lalo na sa pagluluto at para kaya ko nang tumayo sa sarili ko since na wala nga si mama dito at nasa ibang bansa.
Pagkatapos na maihanda ang mga kakailanganin ay nagsimula na akong mag gisa sa isang kalan ng mga dapat gisahin. Habang sa kabila naman ay nagpakulo ako ng tubig para sa macaroni.
Nang matapos ko nang magisa ang mga kailangan ay inihalo ko na ang mga yon sa malaking cooking pot sa kabilang kalan.
Nilagyan ko ng pampalasa at evaporated milk para maging creamy ang macaroni soup.After 20 minutes ay luto na ang aking "Ara's chicken macaroni soup". Since pangmaramihan ang niluto ko ay ipinagtabi ko muna ang mga teammates ko. You know naman, magkasingbituka kaya kami,kaya kung ako matakaw, matatakaw din sila. Nangunguna sa mga top matatakaws ang bullies.
Pumunta muna ako sa room namin at ng mga teammates ko.
Ako: Guys, nagluto pala ako ng macaroni soup. Kumain na tayo.
Kim: Weh ara, seriously, nagluluto ka?! Akala ko ang alam mo lang ay puro kain!hahahahaha! A---aray naman!
Kainis naman tong si Kimmy,lakas makapanlait! Kaya binigwasan ko para tumahimik! Hay Ara, napakabrutal mo talaga.
Mika: ( belat kay Kim) o ano ka ngayon Kim! Inaaway mo kasi si Daks kaya ganyan ang napala mo. O siya, tamang nang chika at tikman na natin ang obra maestra ni Ara.
Nagsipuntahan naman ang mga teammates ko sa lamesang parihaba sa labas ng mga cottages namin.
Nang matikman nila ang luto ko, ang mga loka ,over lang makareact
Carol: Huwaw,Arabels! Super yummylicious naman nitong sopas mo! Yummy yummy yum!
Wensh: Ara, hindi mo naman sinasabi na masarap ka palang magluto.
Aby: Oo nga daughterf, dinaig mo pa ako nak sa pagluluto. Magluto ka naman sa dorm pag nakabalik na tayo.
Habang ang ibang kateammates namin ay super kain to the max naman. Kiber sila sa mga nangyayari. Especially ang mga timawang bullies.
Mika: arabels( super kain ) hirndi mo namarn shinabi na masarap ka pala magluto.
Kim: Heheheh, Arabels trulaloo, ikaw na talaga ang super chef ng lady spikers. Mag adobo ka naman diyan one of these days. ( nguya kain)
Hahahaha, kahit kailan talaga tong mga teammates ko, basta foods talaga super alerto nila, hehehe.
Ako: salamat talaga mga ates at mga bullies na nagustuhan niyo ang luto ko. Enjoy your food guys at may bibisitahin pa ako.
Mukhang nagets naman nila kung sino ang bibisitahin ko .
Michelle: Ara, mabuti pa puntahan mo na siya. Dito lang kami At mag eenjoy sa niluto mo.
![](https://img.wattpad.com/cover/38711280-288-k451703.jpg)
BINABASA MO ANG
Give Our Love A Second Chance
FanficEto po ang aking first thomara fanfiction. Bukod kasi sa Miefer,ay makaThomara rin ako. Kinikilig ron kasi ako sa kanila especially doon sa interview ni thomas noong ateneo la salle game noong season 75 wherein Billie asked him who is his favorite...