ARA'S POV
Kay bilis ng panahon, nasa ikapitong buwan na ako ng aking pagbubuntis. This pregnancy is more difficult than my first. Kahit na medyo malaking baby si Yvo, mas mabigat dalhin ang dalawang supling sa iyong sinapupunan. And mind you, they are active . Minsan nga nagigising ako ng wala sa oras, kahit na sa madaling araw dahil sa trip nilang maglikot at magsisipa sa aking matres.
Juicekolord naman kasi, kung bakit kasi malakas ang kamandag ng semilya ni Thomas, di lang isa , kundi naging dalawa pa ang nabuo. Pero di bali na, kasi masaya naman ako na may dalawang anghel na kukumpleto sa aming pamilya.
Grabe naman kasi si Mama at Papa, e kaya ko pa naman magtrabaho kahit na malaki na ang aking tiyan. Pero tanging sermon lang ang narinig ko sa kanila. Kayang kaya naman daw nila kaming buhayan mag iina. Minsan nga napapaisip ko na nagiging palamunin kami ng mga anak ko sa kanila. Pero kapag tumungtong na sa anim na buwan ang kambal, maghahanap muli ako ng trabaho.
Ngayon nga ay gagayak na ako para sunduin sa school si Yvo. Pagkasundo ko kasi sa kanya, ay magpapacheck up na ako lalo't paghuling trimester ko na ito.
Yvo: Mommy, kailan ko ba makikita ang little brother and Little sister ko? I am so excited na kasi to meet them na.
Ako: ( smiles) Hmmm.... Malapit na anak, mga two months na lang, makakasama na natin ang mga kapatid mo. Promise me that you will be the best brother any sibling wish for ha?
Yvo: Of course mommy. I will be the best Kuya ever. I will defend them against those people who will try to bully them. Lalo na my little sis. No boys allowed till she's 34. (iiling iling pa
nitong sagot)
Napangiti ako dahil sa tinuran ni Yvo. At his age, he really knows the value of a person, especially his Love ones.
Alam ko , sa hinaharap, ay hindi niya hahayaan ang sinuman na apihin ang mga kapatid niya. It' s a bit possessive and over protective but in a good way though
Ako: I know Kuya Yvo. Kaya we better get going na. Kasi sasamahan mo pa si Mommy para magpacheck up.
Kahit naman dito sa Pampanga, uso rin ang mahaba habang traffic. Kaya mahigit isang oras din bago kami nakarating sa ospital kung saan ako nagpapacheck up.
Pero kahit anong tago ko sa lahat, bakit ba patuloy pa rin akong hinahabol ng mga taong may kinalaman sa taong pilit kong tinataguan....
Ako: Ku...Kuya.... Axel.....
.
.
.
.
( Waiting Area)
Axel: Kung hindi naisipan ng Star Magic na mag medical Mission, hindi pa kita makikita dito?!Ara naman, bakit mo ba kasi i deactivate ang social media mo? Kung kailan doon lang namin nakakausap si Yvo, pinutol mo pa ? Tapos, matutuklasan ko pa na madadagdagan ang pamangkin ko? How could you be so selfish Ara?
Tanging iyak na lamang ang nagawa ko.
Ako: Alam kong napakaimmature at napakaselfish ng ginawa ko. Pero sana naman maintindihan niyo na kaya nagawa ko lang naman yon dahil takot akong masaktan ang anak ko...
Axel: Takot ka na masaktan si Yvo? O ikaw? Hanggang ngayon ba Ara, hindi mo pa rin nakikita na nagbago na ang kapatid ko? Oo, Ara, thomas made a very huge mistake of hurting you in the past. Pero hindi mo ba natanong sa sarili mo, na baka may dahilan kung bakit nangyari ang lahat noon? Kasi, pinatigas na ng galit yang puso mo. Kung hindi nakita ni mama noon si Yvo, hindi namin malaman na may isang batang nabubuhay dito sa mundo,Dugo at laman namin, isang batang hindi mo alam na naghahangad pala ng kompletong pamilya. Akala mo ba Ara madali lang ang ilihim sa sarili mong kapatid na may anak siya na lumalaki na walang ama? Tapos malalaman ko pa na madadagdagan ang anak niya. Ano Ara, hihintayin mo pa bang lalaki na naman yang isa ko pang pamangkin na hindi makikilala ni Thomas? Ara naman, yung issues niyo ni Thomas, pwede bang isantabi mo muna iyon? Kapakanan muna ng mga pamangkin ko ang isipin mo. Don't be a selfish woman... Please lang, for the sake of the kids.
BINABASA MO ANG
Give Our Love A Second Chance
FanfictionEto po ang aking first thomara fanfiction. Bukod kasi sa Miefer,ay makaThomara rin ako. Kinikilig ron kasi ako sa kanila especially doon sa interview ni thomas noong ateneo la salle game noong season 75 wherein Billie asked him who is his favorite...
