GOLASC - CHAPTER 49

717 21 5
                                        

WARNING: Contains cussing.  For emotion emphasis only: )

Ara's POV

Nakapasok na kami sa bahay. Limang taon ang lumipas at ngayon lang ako ulit nakatapak sa bahay na kinalakihan naming magkapatid,ang tahanang saksi ng mga masasaya naming alaala na mag anak.

Ilang hakbang mula sa gawi ko ay tanaw ko ang bulto ng ama ko. Nakatalikod siya habang may binabasang diyaryo.

Bigla naman akong napaiyak. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit. Pero may takot nga sa dibdib ko, na baka tuluyan niya na akong itakwil bilang anak. Lalo na dahil hindi ako nagpakita sa kanya ng halos limang taon at nabuntis pa ako.

Bumulong naman si Kuya.

Kuya Djun: Bunso, sigurado ka ba sa gagawin mo?

I nodded at Him.  Lalapitan ko na sana si Papa pero mukhang hindi ko na kailangang gawin iyon. Dahil lumingon siya sa gawi namin.

Shock is obviously written on his face. Bigla siyang lumapit sa akin.

Papa: Victonara?  Ikaw na ba talaga yan?

Halos madurog ang puso ko dahil sa itsura ni Papa. Nandoon yung sabik, yung saya pero nandoon rin ang luha na patuloy na pumapatak sa mga mata nito sapagkat lumipas ang limang taon ay muli kaming nagkita.

Ako: ( umiiyak) Oo papa, ako po ito. 

Inilapag ko muna si Yvo sa sofa at mabilis na tumakbo kay Papa at agad yumakap dito. Napakataas ng emosyon ang namamayani sa aming tatlo. Pati si Kuya ay nandoon din at umiiyak.

Bumitiw muna si Papa sa yakap. Ang mga mata nito ay biglang natuon sa batang lalaking pasan ko at ngayon ay natutulog sa sofa.

Nandoon ang pagtataka sa mga mata nito.

Papa: Anak, kaninong anak naman yang dala dala mo ?

Eto na talaga ang sandaling kinatatakutan ko.

Huminga muna ako ng malalim bago sagutin ang tanong ni Papa.

Ako: PA-- PAPA...  A-ANO, A-ANAK KO PO SIYA (breakdown, cries) (lumuhod sa harap ni papa habang umiiyak pa rin) PATAWARIN NIYO PO AKO PA SA...

Napipi si Papa sa sinabi ko. Pero bigla nitong inihilamos ang mga kamay sa mukha

Papa: ANO?! ANAK MO ANG BATANG YAN?!!!! KAYA BA UMALIS KA NOON NG WALANG PAALAM DAHIL BUNTIS KA NG MGA PANAHONG YON?! SABIHIN MO ANG TOTOO VICTONARA!!!!!

Napahagulhol ako dahil ngayon ko lang nakita ang galit sa mga mata ni Papa.

Ara: Oo pa...(humahagulhol pa rin ) umalis ako dahil nung mga panahong yun,  maraming bumabagabag sa akin. Isang buwan makalipas, nalaman kong buntis ako. Hindi ako umuwi dahil hindi ko alam kung may mukha pa ba akong ihaharap sa inyo.(lumuhod at kumapit sa kamay ni papa) Papa, patawarin niyo po ako!!

Papa: (napasabunot sa buhok at umiiyak) TANGINA NAMAN VICTONARA!!! ANO BA ANG PAGKUKULANG NAMIN NG MAMA MO SAYO AT PAANO MO NAGAWA ANG BAGAY NA YON?! ALAM MO BANG HALOS MAWALA NA KAMI SA KATINUAN DAHIL DI NAMIN ALAM KUNG SAAN LUPALOP NG MUNDO KA PUMUNTA?!! NAGKULANG BA AKO NG PAALALA SAYO HA, VICTONARA?!!

Ako:( cries)  PA--PAPA WALA PO KAYONG KASALANAN SA NANGYARI SA AKIN... AKO PO ANG RESPONSABLE SA LAHAT... HINDI PO KAYO NAGKULANG NG PAALALA SA AKIN NI MAMA... PAPA, OKEY LANG NA HINDI NIYO AKO TANGGAPIN BASTA MATANGGAP NIYO LANG ANG ANAK KO. PAPA....  PAKIUSAP, HUWAG NIYO LANG IDAMAY ANG ANAK KO! LABAS SIYA SA KASALANAN KO SA INYO...  NA-NAKIKIUSAP PO AKO, SANA PO MAPATAWAD NIYO PO AKO

Biglang lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Papa. Siya pa ang umalalay sa akin at itinayo niya ako mula sa pagkakaluhod

Papa: ( yumakap sa akin) Tahan na anak... Huwag ka nang umiyak pa... (umiiyak) Alam mo anak, ikaw lang ang babae kong anak, bunso ka pa. Kaya hindi mo maiaalis sa akin na hindi makaramdam ng hinanakit at tampo. Anak, tatay mo ako,  dapat ako ang unang nakakaalam ng lahat ng nangyayari sayo. Hindi iyong naglihim ka sa akin,sa aming pamilya mo.At umalis ka pa ng walang paalam. ANAK, HINDI AKO KATULAD NG IBANG TATAY  NA ITATAKWIL BASTA BASTA ANG ANAK. HINDI AKO MAGIGING KATULAD NG LOLO MO NA PINAPUNTA NG MAYNILA ANG TITA CINDY MO DAHIL NABUNTIS NG MAAGA. ANAK KITA VICTONARA. ANUMAN ANG PAGKAKAMALI MO, TATANGGAPIN KA PA RIN NAMIN NG BUONG BUO. KAHIT NA MAGING USAP USAPAN KA MAN NG LAHAT , KAMI ANG MAGIGING SANDALAN MO, ANG KAAGAPAY MO . NAGKAMALI KA MAN,OO, PERO ANG IMPORTANTE NAMAN AY MAY NATUTUNAN KA SA MGA PAGKAKAMALI MO,NA MAGING DAAN PARA MAIBANGON MO ANG SARILI MO. Ngayon na nagbalik ka na anak, hayaan mo kami na maging parte ulit ng buhay niyo ng apo ko. MAHAL KA NAMIN ANAK, TANDAAN MO YAN VICTONARA... 

Give Our Love A Second ChanceMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon