GOLASC -CHAPTER 47

544 16 1
                                    

THOMAS ' POV

Ang bilis ng panahon. Anim na buwan nang nagtatrabaho si Ara dito sa kompanya ko pero tila pagong naman ang progreso para maging maayos ang pakikitungo niya sa akin.

Tahimik siya kapag magkasama kami sa opisina. Kung may kinalaman lang sa trabaho ay saka niya lang ako kakausapin . Kung minsan , kapag nagkakasalubungan kami ay umiiwas siya ng tingin sa akin.

HAY KAASAR!!!Kaya kapag minsan nawawalan na ako ng pag asa ay pinapaalalahanan ko ang sarili ko na maging mapagpasensya at huwag sumuko.

PATIENCE THOMAS, PATIENCE!

Nandito kami ngayon sa conference room. May imemeet kaming investor na siyang nanalo sa bidding, na siyang makikipagpartner sa amin para sa itatayong Sports Arena sa Makati.

We were recognized as The best Construction Firm in The Philippines and Number Three in the World kasi we are supplying world class construction supplies needed in different infrastructures. Kaya nagiging in demand kami sa mga multi billion worth building projects,katulad nito.

Habang naghihintay sa representative ng MGM Group Of Companies ay prente akong nakaupo sa aking swivel chair. Nandito rin ang head ng finance na si Kiefer at si Kuya Jeric at iba pang members ng Board. Hindi ako kinakabahan lalo na na nagkapirmahan na kami ng MGM pero nakapagtataka na nararamdaman ako na parang may mangyayari ngayon.

Teka, nasaan na si Ara?

I asked my secretary if she saw Ara. And she said that she will come in just a short while kasi may inarrange pa siyang files needed for the meeting today.

Habang nakikipagpag usap ako kina Kiefer regarding work , of course ay biglang bumukas ang pinto.

Iniluwa nun si Ara na masayang nakikipagkuwentuhan at wagas na nakikipagngitian sa lalaking kasabay niyang pumasok .

Bigla na lang uminit ang dugo ko dahil sa nakikita ko ngayon.

Ara, bakit ka ba ganyan?! Ako, halos gawin ang lahat para lang kahit papaano ay makausap ka.

Habang, ang lalaking to, komportableng komportable kang nakikipag usap sa kanya.

Ano bang meron siya na wala ako ?

Eh halata namang lamang ako sa kanya sa kagwapuhan!

PERO TEKA?!

PARANG PAMILYAR ANG MUKHA NG UNGGOY NA TO AH!

Pinilit kong inalala kung saan ko siya nakita .

At ganun na lang ang pagkagulat ko ng maalala ko siya!

DAMN IT!

Ibig sabihin, siya ang representative ng MGC?

LANGYA NAMAN O! SA DINADAMI DAMI NG TAO, BA'T SIYA PA?!

ARA's POV

I was busily preparing the portfolio containing the different materials and supplies needed for the proposed project na gagawin ng company.

Bilang manager ay malaki ang parte ko sa project na to dahil trabaho ko rin na imonitor ang mga ginagawa ng workers sa site, inventory ng mga materyales at pagmamanage nito.

In short, isa na naman ito sa mga project na pagpupuyatan ko.

Pero balewala ang pagod ko kapag nakikita ko ang ngiti ni Yvo. Isang ngiti niya lang, natatanggal na ang pagod ko sa trabaho. Para rin naman sa future niya ang lahat ng ginagawa ko.

Give Our Love A Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon