ARA'S POV
Isang linggo na ang nakalipas matapos ang matinding pag uusap namin ni Thomas sa ospital. I can still remember how that conversation shook up my entire being. Niyanig talaga ng pag uusap na yun ang buong diwa ko,literally and figuratively.
Dahil sa mga nangyari, mas naging awkward ang lahat sa pagitan namin.
Magkikibuan lang kami kung ang pag uusapan ay mga bagay na may kinalaman sa trabaho. Kapag nagkakasalubong kami minsan sa hallway, yumuyuko na lang ako para di magtama ang mga mata namin sa isa't isa.It's another day for me and Him. Pinoproblema ko nga kung kanino ko iiwan ang anak ko. Hindi pa naman kasi nakapunta dito si mama dahil nga nandoon pa siya sa Pampanga dahil kahapon lang siya nakauwi ng Pilipinas.
Sina Ate Wensh, umuwi ng Ormoc kasama ng mga bata at ni Kuya Jeric para bisitahin ang pamilya ni Ate Wensh.
Sina Mika naman umuwi ng Bulacan dahil namimiss na raw sila nina Tita Baby at Tito Manuel at sinabihan na magbakasyon sila doon ng ilang araw . Sa katunayan, kasama nga nila si Kiefer dahil nagfile yon ng vacation leave sa opisina. Isa pa, sinabi sa akin ni Kiefer na gusto niyang makabawi sa mag ina niya dahil sa nawawalan ito ng time sa pamilya niya dahil sa trabaho.
Ang kambal naman nag out of the country at umuwi ng New Jersey dahil kasal ng kuya nila.
Si Kim naman, umuwi rin ng Batangas dahil naconfine sa ospital ang mama nito. Kaya nagleave rin ito sa trabaho para maalagaan ang may sakit nitong nanay.
Si Carol, nandoon pa sa bahay nila dahil nga kapapanganak pa lang nito. Alangan naman na doon ko ihabilin si Yvo, edi malamang na malaman nina Tita Jane na may apo sila sa akin. Sigurado pag nalaman nila yun, sasabihin talaga nila kay Thomas ang lahat.
Pero naisip ko, hindi ko naman pwedeng iwan dito sa bahay si Yvo. Baka kasi kung ano pa ang mangyari sa anak ko.
Kahit ayoko man, isasama ko na lang ang anak ko sa opisina. I silently praying that no one will recognize Yvo's resemblance from Thomas.
Pero sana naman, kumampi sa akin ang tadhana na hindi makakapasok si Thomas sa opisina.Dahil hindi ko alam ang gagawin kapag nagkaharap na sila ni Yvo.
Habang binibihisan ko si Yvo, nagtataka naman itong napatanong sa akin.
Yvo: Mommy, san po tayo punta? Are we going to my ninang's house?
Ako:(iling) No anak.Wala kasi ang mga ninang mo sa mga bahay nila. You will come with me. Isasama kita kung saan si mommy nagtatrabaho( smiles)
Yvo:(smiles) Talaga po? Yeheyyyy!! Finally, i will see you working na.
Ako:Oo, pero promise me that you will be a good boy ha. Huwag kang maglikot doon
Yvo: Opo naman Mommy. Behave lang po ako mamaya..Tayo na po, Baka malate ka pa sa work mo mommy.
Napatawa naman ako dahil sa sinabi niyang iyon. Dali dali namang kaming umalis ng bahay at nagcommute papuntang trabaho.
Pagkarating namin, nagtataka naman ang sekretarya ko dahil nga may kalong akong bata.
SECRETARY : Mam, anak niyo po? Ang cute cute niya naman
Tipid akong ngumiti sa kanya
Ako: Ah oo, anak ko siya. Pero sana maging secret muna ito sa iba nating kasamahan. Nga pala, nandiyan na ba si Tho- Sir Thomas?
Secretary: Ay Mam, kakaalis lang po. Nagpatawag kasi ng biglaang meeting ang isa sa mga investors natin sa Cebu kaya dali dali po itong umalis. Bakit niyo po natanong?
BINABASA MO ANG
Give Our Love A Second Chance
Fiksi PenggemarEto po ang aking first thomara fanfiction. Bukod kasi sa Miefer,ay makaThomara rin ako. Kinikilig ron kasi ako sa kanila especially doon sa interview ni thomas noong ateneo la salle game noong season 75 wherein Billie asked him who is his favorite...