GOLASC- Chapter 55

604 22 2
                                    

ARA'S POV





Panaka naka kong tinitingnan si Thomas habang kalong kalong nito si Baby Lexy. I had seen that sparkle in his eyes. There is Love in that look. Alam ko yon, dahil noon, ganyan siya tumingin sa akin. He even shared it to me, na kumikinang ang kanyang mga mata kapag tumitinginnsiya sa mga taong mahahalaga sa kanyang buhay.






Te-teka Ara, hindi ka naman pumunta dito para magreminisce sa mga ala ala ng nakaraan. Hindi to panahon para makipag throwback ka ng mga nakalipas lalung lalo na kapag ang involve ay si Thomas.






Ang cute cute talaga ng inaanak ko. Mabuti pang kunin ko muna siya sa Tito Thomas niya. Ako naman ang makikipagnonding kay baby Lexy.




Note to self: KALMA ARA,HUWAG KANG PAAPEKTO SA THOMAS NA YAN.





Ako: Excuse me, pwede pahiram kay Lexy?






Saglit itong napatigil. Maya maya pa ay maingat niyang inabot sa akin ang bata.





Naku naman, ang ganda ganda talaga ng batang ito. Pero obvious naman na kay Kuya Axel nagmana ng cuteness si Baby Lexy. Pak na pak ang mata at ilong!




Masaya kong inihele hele si baby. Kinakantahan ko ng mga nursery rhymes si Baby, which eventually earned heartwarming coos from the infant. Matagal tagal kong tinititigan si Lexy nang bigla kong maalala si Yvo sa kanya.





Parang kailan lang, inihele hele ko pa noon si Yvo sa aking mga bisig. When i first held him in my arms, i couldn't help myself to cry, but in a good way. Yun bang hindi mo maipaliwanag yung nararamdaman mo, na pagkatapos ng siyam na buwan na dinala mo siya sa iyong sinapupunan ng nag iisa, finally, mahahawakan mo na rin siya.







Nabuo man si Yvo dahil sa padalus dalos kong desisyon, masasabi ko na siya ang pinakamagandang pagkakamali na dumating sa buhay ko. Dahil sa kanya, kinakaya kong maging matapang at magpatuloy sa buhay.






Kaya kanina, nung nakita kong kalong ni Thomas si Lexy, may mga agam agam na pumasok sa isip ko. Kung hindi ko ba nilihim ang pagbubuntis ko sa kanya, magiging supportive ba siya sa akin? Kapag ba may mga pagkain ba akong pinaglilihian, mag eeffort ba ito ng todo para maibigay lang sa akin ang mga gusto ko?Sa tuwing may check up ako sa doktor, magiging excited ba ito para malaman kung ano ang gender ni baby? Sa panahon ba kung kailan manganganak na ako, sasamahan niya ba ako at sasabihin na huwag akong mag alala dahil nandidiyan lang siya sa tabi ko at kahit kailan ay di niya ako iiwan? Magiging loving and hands on daddy ba siya sa anak namin?






Naputol ang aking pag iisip dahilnsa pagriring ng cellphone ko. Kaya minabuti ko na ibigay na si Baby kay Carol. Nagpaalam ako sa lahat para sagutin ang cellphone ko.






Sumilay ang isang ngiti sa aking mga labi pagkakita ko kung sino ang tumawag. Agad ko naman sinagot ang tawag.








Yvo: Mommy, san ka na po? Miss na kita eh.







Ako: Baby, nasa hospital ako kasi dinalaw ko yung ninang Carol mo. Kasi she gave birth na. May bago ka na namang kalaro anak.








Yvo: Talaga mommy?Yehey!!! Is the baby a boy or a girl? May bago na naman pala akong playmate aside from Tita wensh's kids and baby Miko. Can you fetch me here at Tita Wensh's house? Cause i wanna see the baby na mommy.






Ako: Baby, hindi kasi kita pwedeng isama dito sa hospital. Bata ka pa kasi kaya it is better for you to stay at Ninang Wensh 's house. At isa pa, maraming germs dito. Gusto mo bang magkasakit?






Give Our Love A Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon