GOLASC-CHAPTER 38

495 14 1
                                        

(Iibahin ko muna ang writing style sa chapter na ito at sa next chapter... Hehehehe)

Ara's POV

Ano ba talagang ang naging dahilan kung bakit natalo kami against Ateneo? Pangalawang beses na kaming natalo sa kanila! We did our best. But why did our best wasn't good enough? Nakakafrustrate lang sa panig ko dahil ako na ngayon ang team captain at hindi ko pa nailead ang team para sana sa aming road to redemption.

Nawalan talaga kami ng lakas dahil sa kabiguan namin na mabalik muli sa La Salle ang championship... Kaya imbes na magcelebrate dahil kahit papaano ay runner up kami sa UAAP Season 77 volleyball Malungkot kaming bumalik sa dorm.

Umiiyak ako ngayon dahil sa pagkabigong nararamdaman namin. Ako na captain pa naman na inaasahan ng lahat para pangunahan ang team para manalo ay nabigo . Ang sakit lang na maramdaman na hindi ko naibigay ang 100% best ko na ilead ang team. Hindi ako naging mabuting leader at motivator ng team. Kasalanan ko ang lahat kung bakit natalo na naman kami! Hindi namin naiuwi ang championship na sana ay laan para sa school at sa mga taong walang sawa na sumusuporta sa amin. Nabigo ko na naman ang mga taong naniniwala sa amin.

Shit! This feeling sucks,real big time!

Ngayong alam ko na kung ano ang naramdaman ni MotherF last season na hindi niya nailead ang team para sa sanang four peat namin. Ang sakit pala sa heart!

Kaya habang natutulog na ang mga bullies at ang mga kateammates ko ay napagpasyahan kong lumabas. I only left them a note saying na babalik rin ako mamaya O bukas at huwag na silang mag alala dahil kaya ko naman ang sarili ko.

I need to drink all the pain and frustrations away. I guess alcohol is my only way to release all the bad feelings i have inside.

Bitbit ang wallet ,cellphone at ang sarili ko ay pumasok ako sa isang bar malapit lang din dito sa Taft. The sound of loud music echoes the whole place. Sari saring tao ang nakikita kong nagsasayawan sa dance floor. At may ilang pares din na nagmamake out sa tabi tabi na tila ba sila lang ang tao sa lugar na ito. Yuck! Of all the places, dito pa talaga nilang gumawa ng kababalaghan?! Get a room guys,will you?!

Ipinagkibit balikat ko na lang ang mga nakikita ng aking mga mata. I went to the counter and order three beers. I even ordered some hard drinks. Masubukan lang ba kung ano ang lasa.

"Ang pait naman nito, pweeee!," sabi ko. Nararamdaman ko kasi ang pagguhit ng tequila sa aking lalamunan.

Ganito pala ang lasa nito?! Pero uminom pa ako ng isa pang shotglass.

Medyo okey naman sa akin ang lasa ng beer. May maliit na restaurant bar kasi kami sa Angeles kaya mas medyo acquianted ako sa beer. Pero hanggang isang bote lang ako dahil todo bantay si Papa at hindi na niya ako hinahayaang uminom ng lampas sa isang bote.


Nilagok ko ang isang bote ng beer na tila ba tubig lang. Hindi pa ako nakontento ay uminom pa ako ng tatlo. Mapagkakamalan pa yata akong baliw dito sa bar dahil habang tumutungga ako ay humahagulhol ako sa pag iyak. Yung iba nga, napapatingin na sa akin.

Pagchismisan man nila ako ngayon, wala akong paki!!!! Nandito ako para makalimutan ang problema ko, at hindi para alamin ang opinyon nila!


I am here in the bar for two hours already... So now, i am am feeling the kick of alcohol in my system... Kulang na lang ay mabuwal na ako sa kinatatayuan ko. I am drunk! Shiino kaya ang tatawagin koh para shumundo shakenn?


Alam ko na!hehehe...

Oo nga phala, tawagan ko na lang shi Thomash my labs koh...Hihihi....

Give Our Love A Second ChanceMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon