ARA's POV
Nakabalik na rin kami ni Yvo sa bahay. Tapos na ang day off ko kaya kailangan ko na ring bumalik sa trabaho. Iniwan ko muna si Yvo kay Mika, na nagkataong bumisita rin sa bahay.. Mahirap kasing humanap ng matinong kasambahay na hindi malikot yung kamay. Habang naglalakad ako sa pasilyo ng opisina ay nahagip ng mga mata ko ang iilang empleyado na may pinagchichismisan. Hay, yan tayo eh! Kaaga, chismis na agad ang inaatupag. Pero 10 minutes pa bago mag 8 am,which is yung opening time ng opisina ay hinayaan ko muna silang magkwentuhan.
Employee 1: Alam niyo ba yung ganap dito sa opisina 3 days ago? Ganoon pala magalit si Sir Thomas?
Employee 2: Wiz eh. May ginagawa pa kaya akong paperwork kaya la akong idea sa sinasabi mong ganap na yan. Baket, ano ba nangyari bakit nagalit si Sir ?
Employee 3: Kahit kailan talaga ang late mo sa mga pangyayari dito sa office. May nangyaring pagtatalo kaya dito sa office,sa pagitan nila Sir Thomas at Sir Carlos. Nakakaloka nga eh! Imagine yung gwapo nating boss at yung pogi ring investor sa kompanya natin, nagsuntukan . Mabuti na nga lang nandoon sina Sir Kiefer at Sir Jeric para umawat. Kung nagkataon, baka sumabog na ang building na to dahil sa pag aaway nila.
May naganap pala dito habang wala ako? At bakit naman magkakagulo sina Thomas at Carlos?
Employee 4 : At alam niyo ba mga bakla kung ano ang pinag awayan nila? Tungkol sa isang babae. Na nagkataon pa na ang manager natin ,si Mam Ara. Grabe, ang haba talaga ng hair ni Mam, pinag aagawan ng dalawang gwapong papa. ( kilig na kilig )
Employee 1,2&3: Naku girl, sinabi mo pa. Pero hindi mo rin naman masisisi sina Sir Thomas at Sir Carlos, maganda, matalino at mabait naman kasi si Mam Ara. Kaya nga nagustuhan nila si Mam.
Napataas naman ang kilay ko dahil sa mga narinig ko. Ako ang dahilan kung bakit nagtalo sina Thomas at Carlos?
Napansin yata ng isa na nakatayo ako malapit sa kanila kaya sinenyasan niya ang mga kasamahan na tumahimik na. Bumati naman sila agad sa akin.
Sila: Ah, Eh Good morning po Mam Ara, hehehe... Ginantihan ko rin sila ng ngiti at bumati rin ako pabalik sa kanila.
Ako: Good Morning din ( smiles)
Kahit naapektuhan ako sa mga mga nalaman ko ay pinilit ko na munang inignora yun at pumasok na sa opisina ko. Pinili ko na lang trabahuin ang mga papeles na natambak sa desk ko sa tatlong araw na wala ako sa opisina.
☆☆☆☆☆☆
Inaayos ko ang mga supplies report sa week na ito ng bigla akong nakarinig ng katok sa pinto.
Tok tok tok!
Ako: Pasok!
Hindi na ko nasurpresa dahil si Carlos ang pumasok ng pintuan.
Carlos: Good afternoon Ara... Nakabalik ka na pala. You know, pumunta ako dito 3 days ago, kaya lang wala ka dahil may 3 days off na binigay sayo. Sayang nga, yayayain sana kitang lumabas ngayon pagkatapos ng trabaho. Eh y-yun k-kung okey lang sayo( shyly smiled at me)
Napapansin ko sa akto ni Carlos na parang gusto niyo ako. Hindi sa assummera ako,pero kasi yung pabisita bisita, pabigay bigay niya ng bulaklak at chocolates sa akin ,pagbibigay niya sa akin ng time at yung effort na binubuhos niya, nagbibigay talaga sa akin ng ideya na he has something for me.
![](https://img.wattpad.com/cover/38711280-288-k451703.jpg)
BINABASA MO ANG
Give Our Love A Second Chance
FanfictionEto po ang aking first thomara fanfiction. Bukod kasi sa Miefer,ay makaThomara rin ako. Kinikilig ron kasi ako sa kanila especially doon sa interview ni thomas noong ateneo la salle game noong season 75 wherein Billie asked him who is his favorite...