GOLASC-CHAPTER 46

581 18 1
                                    

Ara's POV

First day na first ko sa trabaho pero para muntimang lang ang feeling! Imagine, Thomas Torres is your boss, who happened to be the jerk/ devil man who hurted you so much! Sari saring emosyon ang naramdaman ko sa loob ng isang araw.

Sa wakas! Pagkatapos ng ilang oras na pakikipagbuno sa trapik ay nakarating na rin ako sa bahay. Pagod man ako sa maghapong trabaho ay nawawala naman iyon dahil sa mga ngiti ng anak ko.

Pagkarating ko ay agad akong sinalubong ni Yvo na pawis na pawis na sa paglalaro.

Yvo: Mommy! Where have you been? I miss you so much

Pinupog ko naman ng halik ang anak ko at pinunasan ang basa niyang likod

Ako: Hi baby, nagwork kasi si mommy kaya wala ako. Behave ka ba ngayong araw? Di ka ba nagpasaway sa Tita Yeye mo?

Yvo: No mommy, behave po ako. Mommy, what did i tell you?(Nakacross arms) Di na ko baby eh, I am a big boy na!( pouts)

Napatawa ako sa inakto ng anak ko.Parang matanda na kung makaasta .Ang cute talaga ng anak ko pag napipikon. Kaya pinupog ko ng halik ang buo niyang mukha na nagpahagikhik sa kanya.

Sumingit sa usapan si Mika. Nagpapasalamat nga ako kay Daks dahil sa siya ang nagbantay kay Yvo habang nasa trabaho ako ngayong araw.Tapos off pa ngayon ng yaya ni Yvo at bukas pa makakabalik dito sa bahay. Dala si Baby Miko ay nagsabi siya na dito muna sila matutulog dahil may evening training sina Kiefer sa PBA. Nagpapasalamat din ako kay Kiefer at pinayagan niya si Daks na dito matulog ngayong gabi.

Mika: Hay naku daks, mabait ang gwapo kong inaanak eh. Kaya lang napagod yang anak mo sa paglalaro ng basketball. Teh,yung totoo, balak bang sumunod ni Yvo sa yapak ng daddy niya?

Agad ko namang pinandilatan si Mika sa sinabi niya. Minsan talaga hindi marunong prumeno ang bibig nito. Nagpeace sign naman ito sa akin.

Yvo: Mommy, san Daddy ko? Kasi sabi ni Tita Ye, Daddy plays basketball too. San na siya Mommy? I want to play with him too just like Kuya Jerome and Tito Jeric do.

Napipi ako dahil sa sinabi ng anak ko. Medyo matagal na rin kami dito sa Pilipinas kaya nakakaintindi na si Yvo ng Filipino words. Ngayon ko lang narealize na naiinggit din ang anak ko sa ibang mga bata na lumaki ng may tatay. Napabuntong hininga naman ako at muling binigyan si Mika ng nakakatakot na tingin. Kaya iniba ko na lang ang usapan para hindi na magtanong si Yvo ng kung anu ano. Lalo na sa bagay na may kinalaman tungkol sa tatay niya.

Ako: Uhm, Yvo anak, pawis ka na. Halika at magsponge bath na tayo para mabango ka na ulit. (Amoy sa kilikili ni Yvo) Bad smell ka na nak,papaliguan ka na ni Mommy ha para wala nang germs sa skin mo.

Yvo: Hehehehe, i smell sweat na pala. Tayo na mommy, magbabath na ako para germ free na ako at bango na ko ulit.

Niyakag niya na ako para mapaliguan na siya at mabihisan na agad ko namang ginawa.

Pagkatapos nun ay pinakain ko na siya at pinatulog. Nang naramdaman ko nang nakatulog na si Yvo ay lumabas na ako sa room namin.

Pagkarating ko sa sala ay kinurot ko sa braso si Mika.

Ako: Daks naman, napakadaldal mo talaga! Hay naku, alam mo naman nakakaintindi na si Yvo ng Tagalog eh! Inulan tuloy ako ng tanong ng bata.

Pagmamaktol ko sa kanya. Humingi naman ito ng paumanhin sa akin.

Mika: Daks, ang sakit nun ha! Sorry, napasobra lang ng daldal. Daks, you make kwento about your first day work. Pansin ko kase na bad mood ka pagkapasok mo sa bahay,. Anyare?

Give Our Love A Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon