Thomas' POV
Kinakabahan talaga ako sa mangyayari ngayong araw na ito. After five long years ay makikita ko muli ang Ara ko. Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niya ako ang magiging boss niya?
Baka ora orada ay magreresign ito! Alam kong galit pa rin siya sa akin dahil sa kagaguhang ginawa ko sa kanya noon. Pero hindi ko hahayaang mawala pa siya muli sa landas ko ! I WILL ASK FOR FORGIVENESS AND EVENTUALLY I WILL DO EVERYTHING TO WIN HER HEART BACK! SLOWLY BUT SURELY!
Naputol ang anumang mga ideyang pumapasok sa aking isipan dahil sa isang katok.
Ako: Come In
Pumasok naman ang aking sekretarya
Olive: Sir, natapos na po ang welcome party na inihanda para kay Ms. Galang,our new manager. Everyone is expecting you to be there in the function room especially the new manager Sir. She is excited to meet you Sir.
Ningitian ko na lang si Olive
Ako: Thank you for informing me.Tell the others that i will be there in a bit.
Agad namang itong lumabas ng pintuan.
Ang mga paruparo sa tiyan ko ay biglang nagrambol.
Pero hindi dapat ganito Thomas!
Kaya siniguro kong gwapo at mabango ako at disente ang ayos ko.
Papatunayan ko sa lahat, lalo na kay Ara na mas mature na ako hindi lang sa kilos kundi sa paghandle sa buhay .
I rode into the elevator papunta sa function hall na located sa basement floor.
Emcee: Hello everyone. It is my honor to introduce to you the man behind this successful company. Let us welcome TCT Construction Firm Inc. CEO and Owner, Mr. Thomas Christopher Torres. Let us give him a round of applause!
Pagkasabi noon ay pumasok na ako. Sinalubong ako ng masigabong palakpakan ng lahat. Iginala ko ang aking mga mata. In front stands the woman who i want to see after such a long time.
She is looking intently at me. Hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya. Seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin. Kaya nagbigay na lang ako ng isang maikling speech.
Ako: A pleasant morning to everyone. I just wanna say that i am very thankful to all of you who are working hard for this company. And also i just wanna welcome the new manager of this firm, Ms. Victonara Galang
( smiles) I am looking forward to work well with you.Tiningnan ko ulit si Ara . Nananatili naman itong walang kibo at patuloy na tumitingin ng direkta sa aking mata.
Kasama ng sekretarya ko ay kinausap ko muna si Ara.
Ako: Welcome to TCT Construction Firm Inc.,Ms.Galang ( offers hand)
Mabuti na lang ay tinanggap niya ang kamay ko.
Ara: It's Nice to meet you SIR. I AM LOOKING FORWARD FOR A SUCCESSFUL WORKING RELATIONSHIP WITH YOU. Uhm, can i excuse myself Sir? I just wanna start to orient myself with the things i will work on for this company.
I nodded at her. I can feel the coldness in her voice. I can feel the pain. Na para bang ipinapakita niya na hindi niya ako kilala. Plus she is emphasizing the word Sir.
Napabuntong hininga na lang ako. Ano kaya ang mangyayari sa amin ni Ara? Ngayon na we will be working close with each other? Magkakaroon pa ba ako ng chance na makahingi ng tawad sa kanya? Kahit na alam kong kinamumuhian niya ako ng lubusan?
Ara's POV
Nagulat ako sa nalaman ko na SIYA pala ang may ari ng kompanyang pagtatrabahuan ko. Nang makita ko siya muli ay biglang bumigat ang puso ko, na wari'y bumabalik ang lahat ng mga masasakit na alaala mula sa nakaraan.
Kahit parang sasabog na ang puso ko sa galit dahil sa mga ginawa niya sa akin noon ay pinigilan ko ang aking emosyon na kumawala. I even managed to keep my cool, na para bang hindi ko siya kilala at ngayon lang kami nagkita.
Kaya nang bumaba na siya sa entablado pagkatapos niyang magspeech ay umayos ako ng tayo. Pupunta na siya sa gawi ko kasama ng sekretarya niya. Maybe he really wanted to meet the new manager of his company, right?
Thomas: Welcome to TCT Construction Firm Inc Ms Galang ( offers his hand)
Ayoko sanang makipaghandshake sa kanya. Pero baka iisipin niya na naaapektuhan ako sa presensya niya. Kaya kahit na ayaw ko ay labas sa loob ko na tinanggap ang kamay niya para sa handshake.
Ako: It's Nice to meet you SIR. I AM LOOKING FORWARD FOR A SUCCESSFUL WORKING RELATIONSHIP WITH YOU. Uhm, can i excuse myself Sir? I just wanna start to orient myself with the things i will work on for this company?
Tumango naman siya.
Pero hindi muna ako pumunta sa aking magiging opisina.
I decided to go to the comfort room. Doon ay hindi ko namalayan na pumapatak na ang mga luha sa aking mga mata. Ang hirap palang itago yung matinding galit na tinago mo sa puso mo sa loob ng limang taon. Masakit pa rin pala sa kalooban kapag nagkita kayo ng taong nagbigay ng sugat sa puso mo.
Gusto ko siyang sampalin kanina! Gusto ko siyang tanungin kung ano ba ang nagawa kong pagkakamali sa kanya at nagawa niyang saktan ang puso ko !Gusto kong isumbat sa kanya na minahal ko siya ng lubos at totoo pero bakit pagdurusa at sakit ang isinukli niya sa pagmamahal na yon!Gusto kong ipamukha sa kanya na ang nangyari sa pagitan namin noon, na minahal ko siya ay isa sa napakabigat na pagkakamali na nagawa ko sa tanang buhay ko!
Pero kahit kailanman ay hindi pagkakamali na dumating sa buhay ko si Yvo. He maybe a replica of his devil Father but he is my angel. At magkamatayan man ay hindi ko hahayaang makilala siya ni Thomas.
AKIN LANG ANG ANAK KO!
Sinaktan niya na ako noon kaya ayoko na pati ang anak ko ay masaktan din nang dahil sa kanya.
Gusto ko mang umalis sa kompanyang ito pero hindi pwede. Ayokong bigyan siya ng kasiyahan na aalis ako dahil apektado pa rin ako sa kanya! Na may natitira pa akong pagmamahal sa kanya.
Mananatili ako dito at magtatrabaho para kay Yvo, para mabigyan ko siya ng magandang kinabukasan. Na kahit na mag isa lang ako ay naitataguyod ko pa rin ang mga pangangailangan namin sa araw- araw.
KAILANMAN AY HINDI NA MAIBABALIK PA SA DATI ANG LAHAT SA PAGITAN NAMIN NI THOMAS.
OURS WILL BE A BOSS-EMPLOYEE RELATIONSHIP.
HANGGANG DOON LANG YON!
Sisikapin ko na pakitunguhan siya ng maayos kahit na ayaw ko .Pero kailangan dahil nagtatrabaho ako sa kompanya niya.
In short ay makikipagplastikan ako sa kanya!
BUT IT DOESN'T CHANGE THE FACT THAT I STILL LOATHE HIM TO DEATH! KINAMUMUHIAN PA RIN KITA THOMAS CHRISTOPHER TORRES!
A/N: Sorry for late update: )
BINABASA MO ANG
Give Our Love A Second Chance
FanfictionEto po ang aking first thomara fanfiction. Bukod kasi sa Miefer,ay makaThomara rin ako. Kinikilig ron kasi ako sa kanila especially doon sa interview ni thomas noong ateneo la salle game noong season 75 wherein Billie asked him who is his favorite...