Ara's POV
Good morning world! Grabe na talaga ang nararamdaman namin lahat ngayon. Finals game 1 na namin kontra sa aming archnemesis Ateneo Lady Eagles. Siyempre pressure sa part namin dahil lahat kami ay gustong maka 3peat sa volleyball. Plus gusto rin naman ng mga graduating seniors namin na sina Ate Liss at Ate Wensh na gumraduate as part of a champion team. At maybe, this will be Ate Michele's last playing year dahil baka hindi niya gamitin ang kanyang 5th year of eligibility sa UAAP next season . Kaya importante na maipanalo namin ang game 1 para one step na lang para makamit namin ang goal namin to win the three peat and to be season 75's champion.
Kaya ako dito,busy sa kakakain ng chocolates para matago ang kabang nararamdaman ko. Kasi routine na namin ang kumain ng chocolates before every game. Para magkaroon kami ng maraming glucose sa katawan para maging energetic sa laro at hindi maghina.
Mika: Oy, Ara kanina ka pa diyan kain ng kain ng chocolates ah. Beh, diabetes ang aabutin mo nyan kaya tama na. Takaw takaw mo talaga kahit kailan, hahahaha...
Sinimangutan ko na lang ang damulag. Chusera, makatawag ng matakaw sa akin wagas, eh siya nga mas reyna pa siya ng katakawan sa akin eh! Hay naku talaga tong Mikang na to!
Ako: Heh! Walang basagan ng trip teh! Eh sa masarap kumain eh. Oy,oy, oy, akala mo di ko alam ang latest chika ? May picture taking na ganap pala sa inyo ni Kiefer Ravena noong game natin against NU last week? Trending pa nga kayo eh! Diba crush mo si Phenom daks?! Yieeeeee!!
Tinakpan naman ng kamay nito ang bibig ko.
Mika: Gaga ka talaga Ara kahit kailan eh! Huhuhu... Ang daldal mo. Shhh ka lang ha. Gaga, siyempre Kiefer Ravena na yon, choosy pa ba ako?! At excuse me, first year highschool pa lang ay crush ko na yon no! Nanonood pa nga ako ng UAAP juniors basketball para makita ko lang siya. Bessss, grabe kinilig ako ng bongga dahil sa nagpapicture pa siya sa akin pagkatapos ng game natin nun against NU. Pati mga kapatid niya nagpapicture sa akin. Bes, grabe ang ganda ko talaga. Biro mo, si Phenom nagpapicture sayo. Waaaahhh... Pero siyempre prim and proper pa rin ang peg ko kahit na hindi ko na macontain ang kilig na nararamdaman ko (mahinang tumili) waaah, at nitweet niya pa ang picture na kasama niya ako. Kaya nga mas lalo akong nahulog sa kanya eh...( dreamy voice)
Ako: Hahaha, loka loka ka rin pala kung kiligin mika, landi much! Hahahah. I'm sure manonood si Kiefer sa game mamaya. Si Mam Mozzy kasi ng commentator mamaya sa game
Mika: Sana ...( blushing) eh, daks, manonood ba mamaya si Thomas?
Ako: I dunno, kasi sabi niya may hinahabol pa siyang requirements na ipapasa sa prof niya ( simangot)
Mika hugged me tight. Napakaclingy pa naman ng babaeng to. Kaya nga, naloloka ako dahil sa sobrang close namin ay may shippers rin kami.KARA ba ang tawag dun? Basta! Alam naman namin sa sarili namin na pusong babae kami. Hello?Bestfriend kaya kami so hindi kami talo.
Mika: Ars, huwag na sad okey. For acads naman ang dahilan ni Thom eh. Concentrate na lang on today's game! Beast mode on tayo para maipanalo natin ang game mamaya.
Ako: Sa bagay tama ka diyan Daks... Tayo na nga, mag warm up na lang nga tayo para iwas injury. Baka magwala pa sina ate Aby kapag nakita tayong nagchichikahan...
She noded at me then we went to Razon's para makapagwarm up. Mamaya maya rin naman ay babyahe na kami papuntang MOA. Everyone expects that this Game will be an action packed and worth watching for. Hindi naman namin pwedeng i underestimate ang Ateneo knowing that they also want to win this. So we are working so hard to give the fans, supporters and most especially the Lasallian Community this win. And most of all, we are playing all for the glory of God. Lord,please help us....
BINABASA MO ANG
Give Our Love A Second Chance
Fiksi PenggemarEto po ang aking first thomara fanfiction. Bukod kasi sa Miefer,ay makaThomara rin ako. Kinikilig ron kasi ako sa kanila especially doon sa interview ni thomas noong ateneo la salle game noong season 75 wherein Billie asked him who is his favorite...