Ara's POV
This is it! Today is the day na magfifinal interview na ako. Sana naman ay makuha ko na ang managerial position. Malaki kasi ang magiging pasahod ng company. At makakatulong pa ito sa pang araw araw na gastusin namin ni Yvo. Plus may mga benepisyo ka pa na makukuha.
Kaya inihabilin ko muna ang bata kina Ate Wensh na 7 months pregnant sa kanilang baby boy ni Kuya Jeric. Hindi naman pwede kay Daks dahil alam kong busy yon sa pag aalaga sa baby niya. Buntis si Carol at alam kong busy sa buhay nila sina Kim, Cienne at Camille.
Ako: Te Wensh, okey lang po bang dito ko muna iiwan si Yvo sa inyo? May final interview kasi ako ngayong araw sa inaaplyan kong trabaho. Mabait na bata si Yvo.Ate, Pwede mo naman siya isama sa school ng kambal kahit saling pusa lang siya sa klase. Susunduin ko na lang siya mamayang hapon.
Wensh: Yun lang ba ang pinag aalala mo? Dito lang muna si Cute Yvo sa bahay. Tamang tama na susunduin ko mamaya ang kambal sa school kaya may makakalaro na ang anak mo habang nasa interview ka.
Nayakap ko tuloy si Ate Wensh nang mahigpit. Napabitaw lang ako nang umaray si Ate. Oopsss, naiipit pala yung tiyan niya.
Ako: Sorry te wenshy, Hehehehe ( sabay peace sign)
Wensh: Kaloka ka Ars, wagas makayakap! Remember, nakalunok kaya ako ng malaking pakwan ( chuckles sabay himas sa umbok niyang tiyan ) Nu ka ba, maliit na bagay. O sige na, magmadali ka na at baka matraffic ka pa. Remember, may interview ka pa. Ay ,by the way, saan ka pala mag aaply Ars?
Ay Oo nga pala! Makagora na nga! Masyadong matraffic nowadays kaya ayokong mabadvibes kung malalate pa ko sa job interview. Nagpaalam muna ako sa cute kong anak bago ako umalis.
Ara: Ah shocks, aalis na ako ate... Sa TCT CONSTRUCTION FIRM INC. po ako nag apply bilang manager. Ate babush na ( beso kay Wensh) Ikaw na bahala ate sa anak ko ha . May mga spare clothes siya diyan sa bag niya, pulbos, cologne, sabon. Pawisin pa naman ang batang yan lalo na kapag nawili sa paglalaro. Wish me luck ate! Sana mahire ako.
At mabilis pa sa alas kwatro akong umalis kina ate Wensh. Mahirap nang abutin ng matinding traffic sa daan kung mamaya pa ako aalis.
Wensh' POV
Sa wakas, nakapag POV rin ako! Chossss! Oh knowsssss, patay kang bata ka!
Nagtataka ba kayo kung bakit ganito ako makareact?
Kasi naman doon mag aapply bilang manager sa TCT Construction Firm Inc..si Ara, ang kompanyang pag mamay ari mismo ni Thomas!
Naku, siguradong world war 3 ang kahahantungan nito!
Bilang ate ni Ara sa Team noon ay alam ko na hindi maganda ang mga nangyari sa pagitan ng dalawa. Umalis pa nga ng walang paalam noon si Ara. Ni si Coach Ramil o kahit pamilya ni Ara ay walang alam kung bakit bigla na lang ito naglaho na parang bula.
Kahit graduate na ako sa team noong naghiwalay sina Ara at Thomas ay hindi naman ako nahuhuli sa mga balita.
Months after nga ay nalaman ko na buntis na pala si Ara noon kaya umalis ito at lumipad patungong Amerika. Siyempre nalaman ko yun courtesy of Bullies. Pero dahil iginalang ko ang naging desisyon ni Ara na maliban sa akin at kina Mika ay wala na kahit sinuman ang makakaalam sa mga nangyari sa kanya kahit pa sa pamilya nito. I kept my mouth shut kahit kay Jeric at sa Papa ni Ara na kumokontak sa akin para makibalita, nagbabasakali na baka alam ko kung nasaan ang kanyang anak.
BINABASA MO ANG
Give Our Love A Second Chance
FanfictionEto po ang aking first thomara fanfiction. Bukod kasi sa Miefer,ay makaThomara rin ako. Kinikilig ron kasi ako sa kanila especially doon sa interview ni thomas noong ateneo la salle game noong season 75 wherein Billie asked him who is his favorite...