GOLASC-CHAPTER 48

816 27 3
                                    

Ara's POV

Nakakapagod ang araw na to! Pero at the end of the day, kapag naiiisip ko na para sa anak ko ang lahat ng ginagawa ko ,biglang nawawala ang lahat ng pagod ko sa araw araw.


Salamat naman at bukas ay makakapahinga na rin ako. Binigyan nila ako ng 3 days off bilang reward sa akin for my hard work.


Ano kaya ang magandang gawin bukas?



Pero isang ideya ang biglang pumasok sa utak ko, dahilan para biglang tumulo ang aking luha

-


-


-


Kung pumunta kaya ako ng Pampanga?

Pero natatakot ako sa magiging kalalabasan kung umuwi ako sa amin kasama ang anak ko.



Alam kong magagalit sa akin ang lahat ng mga mahal ko sa buhay. Lalo na si Papa.


Umalis ako nang walang paalam sa kanila. Alam kong palaging tumatawag sila mama sa akin noon sa akin . Pero ako mismo ang umiiwas . Pinutol ko ang komunikasyon sa kanila noon dahil natatakot ako sa magiging reaksyon nila pag nalaman nilang buntis ako. Na alam kong hinding hindi magugustuhan ng sino mang magulang.

Pero limang taon na ang dumaan sa mga buhay namin at gusto kong itama ang lahat ng aking pagkakamali sa aking mga magulang at pati na sa kapatid ko.


Gusto kong humingi ng tawad sa kanila lalo na sa mga magulang ko. Kung hindi ako naging mapusok dahil sa pag ibig, hindi ako nabuntis at hindi ko naisip na umalis. Di sana ay nakapagtapos ako sa DLSU, di sana ay nakapagpatuloy pa ako sa paglalaro ng volleyball na isa sa buhay ko.

Hay puro na lang sana!


If only i could turn back time, things would not be like this. Sana ay kasama ko ang mga mahal ko sa pag abot sa mga pangarap ko sa buhay.


I am silently sobbing while hugging my son tightly. Sana sa desisyon kong ito ay kahit gaano man kalaki ang naging kasalanan ko ay mapatawad pa rin nila ako.At sana ay matanggap nila ang anak ko.



THE NEXT DAY....


Takang taka namang tumingin si Yvo sa akin habang nag iimpake ako ng ilang damit namin.


Yvo: Mommy, ba't ligpit ka ng damit natin? Where are we going ba? ( while eating his favorite pancakes )

Ako: We are going somewhere Yvo. Punta tayo kina Lolo mo , Mommy's Papa.


Yvo: Really, Mommy? Punta tayo kay Lolo ko? Yey! I'M so excited im gonna see my lolo. (Patalon talon )

Ako: Yes baby, youre gonna see your lolo na. So you better finish your food na so that mommy can bathe you na.


Yvo: Yes Mommy, but you don't need to make paligo me coz im a big boy na nga. I can manage taking a bath by myself na.


Ako: (tumawa at ginulo ang buhok ni Yvo) Ikaw talaga, o sige na big boy ka na. Ligo ka na ha pagkatapos mong kumain. At ihahanda na ni mommy ang isusuot mo.


Tumango naman ito at dali daling pumunta ng banyo para maligo. Halata sa mukha ng anak niya ang matinding excitement na makita ang lolo nito.



Pero ako naman ay hindi mawari kung ano ang dapat kong maramdaman.
Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Excited ako na masaya dahil makalipas ng limang taon ay makakauwi ulit sa amin pero nandoon ang pag aalala na baka itakwil na ako ng tuluyan ni Papa dahil sa pagkakasalang nagawa ko.


Give Our Love A Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon