Author's Note

34 0 0
                                    

Kamusta na, mga handang magbasa para sa lubhang pagkalinang?

Gusto kong bumati at magpasalamat sa 458 followers (as of publishing) na nakasubaybay sa aking nananahimik na account! Gusto ko pong humingi ng tawad dahil halos dalawang taon na rin akong nawala. Kasalukuyang wala kasi sa pagsusulat ang focus ko kaya hindi na rin ako nakakapagdagdag ng ibang babasahin.

But don't get me wrong; mahal ko po ang pagsusulat dahil 1) wala akong jowa at 2) nakaka-enjoy naman talagang magbahagi ng mga imaginary scenarios sa ating utak sa pamamagitan ng mabubulang salita. Hindi ko lang din naiwasang pagdaanan 'yung pagkatorpe at itago 'yong mga bunga ng aking pagsasanay at paghihirap para bumuti sa larangang 'to.

As of the moment, gusto ko lang talaga bumalik muna para i-republish 'tong WNHF. Pagkatapos ng isang Eureka moment e napag-desisyunan ko na siyang ibalik at patuloy na ipabasa para sa inyo.

Lalo na para sa aking fellow ARMYs na mga fairly old na kasabayan ko lmao (isa ka do'n, 'no?), naiintindihan kong nasa isa tayong crucial time kasama ng ating OT7. Sa totoo lang, may medyo malalang sepanx ako dati kapag iniisip 'yong military service nila or kahit 'yong pag-step back nila sa industry, at tama ka, WNHF 'yong naging bunga no'n! Sakto dahil baka may maka-relate dito or may bakanteng oras para i-explore ang extent ng kanilang sepanx at existential crisis. Noong sinusulat ko pa nga lang din ito e may mga bagay na rin akong nari-realize kasabay ng mga natututunan kong skills sa pagsusulat.

Masasabi kong ang layo na rin ng pinagbago ko pagkatapos ko 'tong isulat at pagmuni-munihan, kaya kung magka-comeback man ako, baka makapansin na kayo ng pagbabago sa aking estilo at tono. Gusto ko lang din talagang ibahagi ang aking journey to acceptance and letting go, at ilibing na 'yong mga dating unhealthy perspectives na meron ako sa aking sarili, mga kaibigan, at buhay sa pamamagitan ng WNHF. Ito na siguro 'yong farewell letter ko para sa aking old young self. Sana makatulong din sa ibang mambabasa at ARMYs. Patuloy nating isabuhay at ipalaganap ang mensaheng love yourself.

Inaayos ko po talaga 'yong sarili ko para maging mas mabuting tagakwento. Oras nga lang ang kapalit sa ngayon. Kaya kung saan man tayo magkikita - dito sa Wattpad o sa ibang lugar na, bilang bluemoldla o sa ibang alyas na, sigurado pa rin akong pare-pareho pa rin tayong makakabalik sa pagmamahal natin sa pagbabasa at pagsusulat.

May mga nakatambak talaga akong mga drafts pero hindi ko pa sila matapos dahil hindi ko pa sila napaglalaanan ng oras. Gagandahan ko muna para sulit ang comeback ko HAHA. Babalikan ko rin talaga sila dahil naniniwala at naninindigan ako sa denouement. We'll tie all loose ends.

Mula sa isang silent author at reader, salamat, pasensya, hanggang sa muli, at manatili kayong ligtas!

We're not Happy FamilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon