Kabanata 2:

12 6 0
                                    




Andy's P.O.V.:



Nakakatatlong araw na ako dito sa Batangas, at narealize ko na ang sarap pala sa pakiramdam na palagi mong kasama yung mga parents mo. Yun bang pagkagising mo ng umaga maamoy mo yung masarap na luto ng nanay mo, pakiramdam ko tuloy isa akong prinsesa.

***

Pagkagising ko, dali dali akong bumaba at pumunta sa kitchen, nakita ko si mom na naghahanda ng breakfast, naaamoy ko yung niluluto niya na hotdog, egg and bacon, ang bango at sinamahan pa ng sinangag na kanin.

Nagbakasyon kasi Manang Maring kaya naman si mommy ang naghahanda ng breakfast.

Habang nagluluto si mommy, ako naman ay nakasandal sa may ref. at abalang pinapanuod siya. Ilang sandali lang nabanggit niya ang tungkol sa kanyang bestfriend.

"Andi, di ba alam mo na may bagong lipat diyan sa kabila di ba?" Tanong nito habang naghahalo ng fried rice sa pan.

"Yes mom, nabanggit ni dad, Bakit po?" Napakunot noo ko namang sagot.

"Papakilala kita sa anak ng bestfriend ko, para naman hindi ka lang nagkukulong diyan sa kwarto mo."

" Hala! Si mommy hindi naman po ako nagkukulong, lumalaas din naman po ako." Defensive ko namang sagot.

" Papakilala kita mamaga okay?" Titig na sabi sa akin.

"Mom ayuko, wala akong panahon para makipagkaibigan, okay na ako sa kwarto" Hulat kong tugon sa kanya habang nagtitimpla ng juice.

"Hay naku!, makikipagkilala lang naman eh," Lingon nito sa akin. "Basta mamayang hapon pupunta sila dito, mamayang 3:00, ipapakilala kita" sabi nito na may awtoridad.

Tamad naman akong tumango.

"Naku, kapag hindi ka lang bumaba mamaya para magpakita kukunin ko yung laptop at cellphone mo" pagbabanta sa akin habang hawak ang sandok.

"Mom?, parang ang unfair naman iyon."

Gulat naman akong napatitig kay mommy at sa tingin pa lang niya.. haysstt... I don't have any other choice but to agree.

" ahh basta, kapag sinabi ko gagawin mo, so now, you choose?"Masungit nitong sinabi.

Kapag salubong na mga kilay ni mommy ay wala na talaga akong magagawa kundi ang sundin siya.

"Okay! Okay! fine.....bababa  po ako mamaya," sagot ko naman na nakasimangot.

Pagkatapos magluto ni mommy, tinulungan ko na siyang mag-ayos sa dining table at tinawag ko na rin si daddy at si kuya Arjo, ang kuya ko na wala ng ibang ginawa kundi asarin ako.

Noong mga oras na wala ako dito sa bahay si kuya Arjo lang kasama ni mommy and daddy pero every weekend lang. Kasal na kasi si kuya at kapag weekdays nasa Lipa siya with her wife wala pa naman silang anak, graduate si kuya ng Business Administration at siya ang katuwang ni daddy at nangangalaga dito sa farm. Mag-oopen din siya ng coffee shop soon and I am planning na magpart time.

While we are eating, Niyaya ako ni daddy na sumama sa kanya para magharvest ng gulay at prutas, para sa delivery bukas.

" Andi, after nating kumain magharvest tayo ng gulay at fruits" Sabi ni Daddy.

"Talaga dad, sige gusto ko yun wala naman akong ginagawa dito eh." Na-eexcite ko namang sagot.

"Naku dad, huwag mo nang
isama yan mabubulok lang ang hahawakan niyang gulay" sabat naman ni kuya na nagsasalita na habang may laman pa ang bunganga.

" Dad oohh, si kuya ang aga-aga  nang-aasar na agad." nakasimangot ko naman tiningnan to.

" Huwag mo nang asarin ang kapatid mo, huwag kang mag-alala ako na ang magpipitas.." dagdag naman nito, silang tatlo naman ay pinagtatawanan ako.

Mukhang wala yata akong kakampi pati kasi si mommy nakikitawa na rin.

Napuno naman ng tawanan ang pagkain namin dahil wala ng ginawa si kuya kundi asarin ako ng asarin. After naming kumain ay nagpahinga muna kami, at ako naman ay naligo na rin.

Nalilibang naman ako sa pagha-harvest kaya hindi ko namalayan ang pagtakbo ng oras, 12:00 na kami natapos, ang mga tauhan naman nila dad ay nagsipag-uwian na rin para mananghalian. Niyayaya namin sila para mag-lunch sa bahay ngunit sabi nila ay gusto rin nila makasabay ang kanilang sariling pamilya, kaya naman umuwi na rin kami.

Pagkatapos naming mag-lunch ay umakyat na ako sa kwarto para icheck ang phone ko, sa sobrang pagod ko naman ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising ako ng 2:30 ng hapon, pagkababa ko ay walang tao sa bahay, kaya naman lumabas ako at sa likod dumaan.

May kalakihan din   kasi ang bahay . Double door sa harap at pagkapasok ay sala na ang bubungad, mayroong black sofa set at sa center ay may maliit na glass table.

Kaharap nito ay mayroong flatscreen tv, ang kulay naman ng dingding ay white.
Kapag dumiretso ka naman sa pagpasok, paglampas sa may tv nandoon naman ang aming dining table at kitchen.

Sa may bandang kanan ay mayroong pintuan papunta sa dirty kitcken, kung saan madalas akong dumaan para tumakas.

Pagka-akyat naman sa second floor ay may  tatlong kwarto, ang una ay room nila mommy at daddy pangalawa ay guest room o kaya ay  kwarto ni kuya kapag umuuwi siya at syempre ang pangatlo ay ang aking kwarto.

Pagka-pasok sa kwarto ko  ay  makikita ang aking bed sa side table naman ay ang aking lamp at sa harap ng kama ay mayroong 18 inches na flatscreen tv. At mapapansin din  na sa likod ng pintuan ay mayroong spiral na hagdan paakyat sa rooftop.

Sa Rooftop naman ay mayroong mini garden na madalas kong tambayan kapag nalulungkot ako. Mayroon ding hagdan sa gilid at gate na bakal ang saraduhan  kung saan sino man ang gustong umakyat sa taas ay makaka-akyat pa rin na hindi na kailangang dumaan sa kwarto ko. Pero madalas itong nakapadlock para walang basta basta makapasok at makadaan sa kwarto ko.

Kaya naman ngayon sa likod ako dadaan  palabaas ng bahay.

Sa may dirty kitchen madalas akong dumadaan kaysa sa front door, nakasanayan ko na rin. Nag-ikot ikot ako sa farm at bigla na lang akong nag-crave sa mangga kaya naman maghahanap ako kahit hindi pa panahon ng mangga. Minsan kasi may naliligaw ding bunga kahit hindi pa panahon.

***


This story is fiction: names, characters, places are all based on the wild imagination of the author. 😉

             

         No to Plagiarism

Don't forget to follow, vote , like and comment!

Take Care Friend!
😊

All Rights Reserved. Friendzone/Lovezone

Friendzone or Lovezone (Completed)  _University Series_ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon