Kabanata 48:

7 0 0
                                    


Andi's POV:

Love is pain, you will never know the real meaning of love if you don't master the pain.

He's my first love, totoo nga siguro ang sinasabi nila na hinding-hindi nagkakatuluyan ang mag first-love.

Sobrang sakit na we ended up like this. So all this time niloloko niya lang pala ako, pero ang tanga ko na ayos lang sa akin na lagi silang magkasama ni Shantal. Hindi naman siguro masama iyon, dahil buo ang tiwala ko kay Andrew na hinding- hindi niya ako lolokohin.

3 years damn it.

Ang tagal ng pinag-samahan namin, sa isang iglap nawala lang ang lahat ng iyon. The friendship that we had will never comeback anymore.

Gusto kong sumigaw. Para akong sasabog sa sobrang sakit.

***

Habang nasa Taxi ako ay walang tigil ang pagbuhos ng aking mga luha. Nakatingin lamang ako sa labas ng bintana, tinitingnan ang bawat ilaw ng poste na nadadaanan, wala na akong pakialam kung anong iisipin ni Manong.

I cancelled all the calls of Andrew.

I blocked his number even in his social media accounts. Lahat ng contacts ko sa kanya binura ko, at simula ngayong gabing ito sa tuwing magbi-birthday siya ito ang alaala na iiwan ko sa kanya.

Magsama silang dalawa ng fiance niya.

I want to stop this pain and this is the only thing that I know, to cut all the strings attached to him.

I dialed Liam's number..

Alam ko 2:00 pa lang ng madaling araw at sabi naman niya I can call him anytime.

Pinakalma ko muna ang aking sarili bago nagsalita.

"H-hello Liam?, Sasama ako sa Mindoro, anong oras ang alis natin at saan magkikita?" Bungad ko sa kanya.

"H-huh? Are you sure? 4:00 ang alis ng bus mamaya." He said in a husky voice. " Are you okay?"

"Oo naman. Pupuntahan na lang kita."

"Hindi na, ako ang pupunta sa inyo, just send me your address okay?" Sabi ko and I hanged up.

Pagkarating ko ng bahay ay naabutan ko si mommy na pababa ng hagdan.

"How's the party anak?" Masayang bungad sa akin.

Nakatayo lamang ako at naramdaman ko na naman ang pagtulo ng luha ko.

Dali-dali akong tumakbo kay mommy at niyakap siya ng mahigpit. And I cry out all the pain.

"Hey, what's wrong sweetie? Shhhh.. Tama na anak, anong nangyayari?" Nag-aalalang tanong niya.

Pinaupo niya ako sa sofa at pinakalma. Inabutan niya ako ng tubig at pinakalma.

"Mom, I-I broke up with Andrew" then I sob again.

"B-bakit? On his birthday? H-hindi kita maintindihan anak ? Ba-bakit?" Natatarantang tanong niya.

"Hmmpff.. Ma. His Engaged with Shantal. Sobrang sakit, ang sakit sakit, all this time niloloko niya lang pala ako. Wala akong kaalam-alam Ma. "

"My sweetie.. hindi ko alam na ganyan ang pinagdadaanan mo. Alam ba ito ng Tita mo?"

"Mom, Don't tell her, ayuko pong masira ang frinedship niyong dalawa dahil lamang dito. A-and don't tell Dad pls. Mommy pls." Pinunasan ko ang luha ko at umayos ng upo.

Friendzone or Lovezone (Completed)  _University Series_ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon