Kabanata 13:

4 2 0
                                    

Andrew's POV :

Magbabakasyon kami nila Kurt at iba pa naming barkada,sabi ni Kurt pwede rin ako magsama ng iba pa naming friends. Aayain ko rin sana si Andi kaso tumanggi siya.

Ang tagal ko pa naman naghintay sa harap ng gate nila. Kaso naiintindihan ko rin ang rason niya. Syempre family matters palagi.

Sinubukan ko rin isama si Shantal kaso ayaw naman niya, ayaw daw niyang ma-sunburn lalo na at dalawang linggo lang ang sem break .

Kaya naman, 4 days lang kami nila Kurt sa resort nila. Napaka-ganda talaga sa beach resort nila.

Pakiramdam ko nasa ibang bansa ako, pagpasok pa lang may nag-aabang ng receptionist at aasikasuhin agad.

Sa may tabing dagat naman ay madaming sun lounger na nakahilera at may payong sa tabi at lamesang maliit sa gilid.

May location din kung saan pwede mag-bonfire sa gabi. Hindi pa tapos ang ibang parte ng resort, magbubukas din ng restaurant, at Hall kung saan pwedeng ganapin ang kasal at iba pang ceremonies Ang mga villa naman ay gawa sa  mga kahoy .

Na-enjoy ko naman ang bakasyon namin.  Wala na kaming ibang ginawa kundi mag inuman.

***


Ngayon ay linggo at nagka-ayaan na kami ni Kurt na mag-mall isasama ko sana si Andi kaso may lakad daw sabi ni Ninang Anj.


Dalawang linggo ko na rin siyang hindi nakikita, at aminado ako na namimiss ko rin si Andi.


Sa Mall.

Nasa may shop ako ng mga gadgets, Nang biglaan na lang nawala si Kurt at di ko siya mahanap kaya dumaan muna ako rito.

Pagkalabas ko ng shop ay nadesisyon na akong hanapin siya.

Hinanap ko siya at nakita ko siya sa may Time-zone. May kausap o kaaway na magandang babae. Napansin ko na nasa likod ng babae si Andi. Hinahawakan ang braso ng kasama  niya kaya naman lumapit na ako.

Nagulat si Andi dahil hindi niya inaasahan na makikita niya ako . Dahil kahit ako rin naman di ko inaasahan na magkikita kami rito.

Nang umalis na silang dalawa ni Emery ay nagstay muna kami sa Time-zone ni Kurt.

"Bro! Grabe naman yung babaeng yun palaban! " Sabi ni Kurt habang nag-shoshoot ng bola.

" Hahaha. Bro nakahanap ka ng katapat mo ahh" Sagot ko.

"Hindi ahh... Iyong babaeng iyon mukhang palaaway, ayaw magpatalo." Sagot naman niya.

" Eh pareho lang naman kayong dalawa, ganyan ka rin naman minsan, ay madalas pala." -ako

" Tsss.. By the way, si Andi pala, yun ba yung sinasabi mong isasama mo sana sa vacation natin?" Tanong niya, at tumigil na rin kami sa paglalaro.

Lumabas na rin kami sa time-zone dahil masyadong maingay at ang daming mga bata.

Patuloy naman kami sa pag-uusap habang naglalakad.

"Ahhh, oo siya nga." Sagot ko.

"Bro, ang ganda niya, matangkad, sexy, maputi, ang haba ng buhok at higit sa lahat para siyang anghel na bumaba sa lupa." Sabi ni Kurt na parang nag-iimagine.

Friendzone or Lovezone (Completed)  _University Series_ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon