Kabanata 52:

4 0 0
                                    

Andi's POV:

Warmth envelopes my body, it feels like I've been longing this kind safety. It's like home.

Pakiramdam ko napakapayapa ko ngayon, ang sarap ng tulog ko na halos makalimutan ko na ang nangyari.

Nakaramdam ako ng paggalaw.

Napamulat ako ng aking mga mata, parang may mali.

Bigla akong napaupo sa gulat ko.

So...so I was comfortably sleeping on his chest.

Nakakahiya!!!! Ano ka ba naman Andi. Baka kung ano na lamang ang isipin niya.

"How's your sleep?"

Kahit ang morning voice niya ay nagbago. Parang boses ng anghel.

"Ahh--ehh  Ma-mauna na ako." Sabi ko habang inaayos ang buhok kong nagulo at tumayo na at lumabas.

"W-wait!!"

Hindi na ako lumingon dahil sa sobrang hiya.

Pagkalabas ko ng kubo ay napagtanto ko na ang layo nga ng narating ko kagabi. Halos mga puno at dalampasigan ang natatanaw ko.

This is what really nature is, Kurt should take a good care of this paradise.

Tahimik akong naglakad pabalik, at nararamdaman kong tahimik din siyang  nakasunod sa akin.

I'm walking barefoot in the sand, it's comforting and tickles me anyways.

It took us 30 minutes before we finally reached the main resort.

Nang makarating ako sa resort ay nakita ako nina Emery at Kurt.

"Ohh--Bakit saan kayo nanggaling?" Nagtatakang tanong ni Emery.

"Pahinga muna ako.. sorry about last night." Mahinang sabi ko at tumalikod na sa dalawa.

Hindi naman na sila nang-usisa pa.

Pagkarating ko sa kwarto ay naligo muna ako.

Parang nawalan ako ng gana sa lahat ng bagay.

Hindi na muna ako lumabas at nagorder na lamang ako ng pagkain ko.

Kailangan ko munang mag-isip. I message Emery and apologize, she replied and said that its okay, she understands my situation right now.

I busied myself, nanuod lamang ako ng tv, magbabasa ng libro at hindi kalaunan ay nakatulog na pala ako.

Pagkagising ko ay nagulat na lamang ako at ang daming missed calls at messages.

Am I being torn again.

Palagi na lang ikaw ang dahilan.

Pagkalabas ko ng villa ko ay nagulat ako at nag-aabang pala sa labas si Liam sa labas.

Sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap.

"Anong nangyari sayo kagabi? Sinaktan ka ba niya?"

"Huwag kang OA ayos lang ako. Nag-usap lang kami. Ahh... hindi pala. Nag-dragon ako." I chuckled.

Kumalas siya sa akin. At inaya ko na para kumain. Baka saan pa mapunta ang usapan namin.

Hindi ko alam kung nakauwi na siya, marami na rin kasing mga bisita ang umuwi na dahil monday bukas at may kanya-kanya silang trabaho.

Si Liam naman ay aalis na rin mamayang madaling araw kaya naman niyaya niya akong mag-dinner.

Friendzone or Lovezone (Completed)  _University Series_ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon