Andi's POV:
I decided to stay with kuya Arjo's house until Sunday. Walang kaalam-alam si mommy at daddy sa nangyari sa akin. Hindi na namin ipinalam ni kuya sa kanila dahil alam namin kung paano sila magre-react.
Pagkagaling namin ng hospital ay dumiretso na kami ni kuya sa bahay nila, ang mga kaibigan ko naman ay bumalik pa ulit sa Wins U. I don't know what totally happened ang alam ko lang nawalan ako ng malay at wala na. I don't remember anything.
Mamayang 3:00 na lang ako uuwi sa bahay, ngayon nandito ako sa Starlight Cafe, kasama ko si Luigi at Emery.
"Sigurado ka ba girl na ayos ka na? Grabe ang pag-aalala ko sayo." Si Emery.
"Yes. Okay na ako. Wag ka na mag-alala." Sagot ko.
Ikinuwento niya sa akin ang lahat ng detalye sa nangyari, kung paano nagsabwatan si Shantal at Lexi. At sinabi niya rin sa akin na binuhat ako ni Andrew.
Hindi ko na inusisa pa ang ibang nangyari, I'll just let it slide like nothing happens. Wala naman na magagawa kung magagalit pa ako, it happened already at ayuko ng palakihin pa.
"Huwag ka muna mag-work, magpahinga ka lang dyan." Si Emery
"Nakaupo nga lang ako dito eh. Don't worry I'm fine now." I assured her.
Nang alas tres na ng hapon ay nagpaalam na akong uuwi, tinawagan ko na lang si kuya Arjo upang magpaalam. I'll just commute, nagsuggest pa si kuya na ihatid ako pero tinanggihan ko na. Ayaw ko na siyang maabala pa, at ang dami ko ng pabor na nahingi sa kanya.
Pagkarating sa bahay ay sinalubong ako ni mommy at daddy.Nagkwentuhan lamang kami sandali at nagpaalam na rin akong aakyat na upang maligo.
Pagkapaligo ay I wear my usual pambahay, jogging pants and a loose t shirt. Umakyat ako sa rooftop para magmuni-muni.
Suddenly my phone beeped.
A Message from Andrew.
Andrew: Are you home?
Me: Yeah, nasa rooftop ako. Get up?
Andrew: Okay, wait for me then.
Tanging si kuya lamang ang nakita ko pagkamulat ko ng aking mga mata. Bumalik din daw sila agad sa Wins U.
Ngayon pa lang kami magkikita after the incident happened.
Naririnig ko na ang kanyang footsteps sa bakal na hagdan kaya naman tumayo na ako upang pagbuksan siya ng gate.
Hindi ko na siya hinintay na maka-akyat at bumalik na ako sa bench na kinauupuan ko kanina.
Inabala ko ang sarili ko sa pag-scroll ng IG. Naramdaman ko na lang na umupo siya sa tabi ko.
Hindi na rin gaanong mainit dito sa taas dahil hapon na rin.
May dala-dala siyang paper bag, hindi ko alam kung ano ang laman. Ilang segundo na ang lumipas ngunit hindi pa rin siya kumikibo.
I can see on my peripheral vision that he's just staring at me. Hindi na ako makatiis at nabibingi sa katahimikan naming dalawa.
"Titingin ka na lang ba sa akin?" Tanong ko habang abala ako sa cellphone ko.
Tumikhim siya at umayos sa kanyang pagkakaupo.
"I-I'm sorry."
That two words caught my attention. Ibinaba ko ang aking cellphone at tiningnan siya.
BINABASA MO ANG
Friendzone or Lovezone (Completed) _University Series_
Novela JuvenilKapag dumating ka sa punto ng buhay mo na kailangan mong mamili, ano ba ang pipiliin mo? kung sa huli ay mawawala din pareho sayo. Pipiliin mo bang lumayo, masaktan, madurog o magparaya na lamang para sa ikakabuti ng lahat . Tunghayan natin ang kwe...