Andi's POV:Na-settle namin iyong relationship namin ni Andrew, siguro kung iisipin niyo, ang bilis ko naman magpatawad.
Oo, Napatawad ko siya dahil mahal ko siya, napatawad ko siya dahil hindi pa ako handang masaktan. And knowing the fact na he's my first love.
And I' m afraid na ma- fall out of love ako sa kanya.
***
At dahil summer vacation ngayon, mas nagkaroon ng time sa akin si Andrew, nalaman na rin nila mom at Dad kung anong mayroon sa min ni Andrew. At syempre ang pinaka-masaya ay sila Tita at mommy.
Masyado silang supportive, kaya naman naging madali sa aming dalawa ni Andrew.
Minsan nakikita kong nag-uusap si Dad at Andrew. At natatawa ako dahil nakikita ko kung gaano ka-kabado si Andrew kapag kausap siya ni Dad. Yeah, he should.
After the incident, mas naging stronger pa iyong relationship namin ni Andrew, may mga pinag-aawayan kami pero nagkaka-ayos din naman.
We spent our Christmas together at kahit anong occasion pa, palagi kaming magkasama.
Hindi ko rin aakalain na magtatagal kami ng two and a half years. At masasabi kong napaka-strong ng relationship namin.
Hindi na rin ako varsity player, I am in my last year as a student.
Kaya naman mas naging focused ako sa pag-aaral. I am so excited to graduate and welcome myself in the teaching world.
Samantalang si Andrew naman ay abala rin sa pagiging architect, minsan nakikita ko sa kanya how frustrated he is. Palaging puyat at parang may problema.
Madalas niyang kausap sa phone ang Daddy niya, everytime na matapos niyang kausapin ang dad niya, I can sense that they're not fine.
But I never bothered him to ask, I don't want to invade his privacy.
----
Sa Winston University
School of Teacher Education.
Nandito kami ngayon nila Emery, Liam at iba pa naming mga co-practice teachers.
We have a meeting for the deployment of assigned schools.
Magakakatabi kami nila Emery at Liam pinagitnaan nila akong dalawa.
"Sana magkasama tayo ng assigned school Andrea" Masaya at excited na sabi ni Liam.
"Ako rin dapat kasama niyo" Dagdag naman ni Emery.
"Huh? Papaanong makakasama ka eh BEEd ka di ba? Kami ni Andrea BSed." Natawa naman kaming dalawa ni Liam.
"Ayy oo nga pala. Nakakaasar naman sana nag-BEed na rin kayo, ang cute kaya ng mga bata. Di kagaya sa Secondary, puro crush na ang alam." Litanya naman ni Ems.
" No way Ems, I can't even stop my nephew crying, what's more in grade a schooler." Natawang sabi ko.
" Oo nga hindi ko rin kaya yan." Dagdag naman ni Liam .
We had a good conversation hanggang sa na deployed na kami sa assigned schools. At first I am hesitant, kasi I am going to teach with actual students.
BINABASA MO ANG
Friendzone or Lovezone (Completed) _University Series_
Ficção AdolescenteKapag dumating ka sa punto ng buhay mo na kailangan mong mamili, ano ba ang pipiliin mo? kung sa huli ay mawawala din pareho sayo. Pipiliin mo bang lumayo, masaktan, madurog o magparaya na lamang para sa ikakabuti ng lahat . Tunghayan natin ang kwe...