Kabanata 1: HOME

31 6 0
                                    



Andy’s POV:

“Tita, gusto ko na pong umuwi sa Batangas tatapusin ko na lang po itong semester na ito.”  sabi ko habang nag-aayos ng mga tables.

“Bakit?, may problema ba hija?” Tanong ni tita habang siya  ay nag-aayos ng mga resibo.

“Wala naman po, sobrang miss ko na po kasi sila  mommy at daddy, tsaka panay na rin po ang tanong nila sa akin eh” sagot ko.

“Sayang naman ang pag-aaral mo nakaka-isang taon ka na sa course mo.”

“Siguro doon ko na lang po, itutuloy ang pag-aaral ko..” habang napatigil ako sa pag-aayos “Alam ko po ang dami niyo na pong naitulong sa akin, hindi ko po talaga maiwasan ang lungkot na nararamdaman ko” paliwanag ko.

“O siya sige, kung yan ang desisyon mo, hindi kita pipigilan, basta tapusin mo muna ngayong semester ha. Para hindi ka mag-kaproblema Habang napatigil naman siya sa ginagawa niya at tumingin sa akin .

“Tatawagan ko na lang ang mommy mo para sabihin. Sige tapusin mo na yang ginagawa mo at umakyat ka na para magpahinga

“Salamat po.”

Nang matapos na ako ay tsaka ako umakyat. At sinundan naman niya ako ng tingin paakyat sa hagdan, tingin na may halong lungkot.

Pagkahiga ko sa aking kama , blangko akong nakatingin sa kisame , nag-iisip, naguguluhan at kung anu-ano pang pumasok sa aking isipan.

Tama kaya ang desisyon ko?
 

Bago pala ang lahat, ako nga pala si Andrea Keith Del Mundo, but you can call me Andy, I am 19 years old, tatlo kaming magkakapatid at ako lang ang babae.

I have a twin brother pero inampon siya ng kapatid ni daddy. Hindi naman sa naghihirap kami at kailangan ipa- ampon ang isang anak na kagaya sa mga palabas sa tv o pelikula. It's just a promise na kapag naging kambal daw ang pinagbubuntis ni mommy ay ibibigay daw ang isa kay tito . At nagdilang anghel si tito  dahil twins kami.

Kinuha si brother noong 7 yrs old siya and aware naman si brother at kilala niya kami. And  nasa US na siya ngayon  wala namang  naging issue yun sa family namin at alam din naman ni dad na hindi nila ito pababayaan.

And here I am kasalukuyang nakatira sa Tita Martina ko na kapatid ni mommy na bunso. Hindi naman sa mas pinili ko ang lumayo sa kanila mommy, Isinama kasi ako ng tita ko dito sa Cebu dahil wala siyang kasama sa Business niya  wala pa kasi siyang asawa at kailangan niya ng kanang kamay, so I decided to live with her .At nagdesisyon na dito mag aral.

2 months later… (Christmas Vacation)

And I am back here in Batangas I really miss my parents, my older brother and especially my dog, Sugar. Ngayon nandito ako sa bahay at wala ng ginawa kundi kumain.

At nagkukwento kay papa ng mga karanasan ko noong malayo ako sa kanila.

***

Ngayon, nandito kami ni dad sa may sala at nagkukwentuhan.

“Dad, ang ganda pala sa Cebu, ang daming mapupuntahan.” Sabi ko na animo’y kitang kita pa rin ang kagandahan  ng Cebu.

“Mas maganda pa kaysa dito? Hindi mo ba kami na miss?” Naglalambing naman na boses ni daddy.

Friendzone or Lovezone (Completed)  _University Series_ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon