Andi's POV:
Pinipigilan ko ang pagtulo ng aking mga luha. Hanggang kailan kaya ako makakaramdam ng ganitong sakit? Palagi na lang ba ako ang may kasalanan sa mga bagay na wala naman akong kinalaman? Hanggang kailan ako mapapahiya?
Sa tuwing makakasalubong o makakasalamuha ko si Shantal palagi na lamang gulo ang dulot niya sa buhay ko.
Kahit anong iwas ko, para siyang kabote na sumusulpot kung saan saan.
Dumiretso ako sa locker ko para kunin ang aking bag. Hinanap ko ang susi ngunit wala ito sa bulsa ng aking jacket.
Pumunta ako sa gym, sa bleachers, pero wala. Nagpaikot-ikot na ako pero hindi ko ito mahanap.
Nasa locker ko ang bag ko, pati na rin ang wallet at cellphone ko.
-Kung minamalas nga naman-
Hindi pa ako kumakain at nararamdaman ko na ang gutom ko. Kaya naman wala na akong ibang choice kung hindi ang mangutang ng pera kay Emery. Eh papaano ako mangungutang kung hindi ko pa siya nakikita mula kaninang umaga. Alam ko naman na nagpapakahirap siya sa pagtatatrabaho pero kakapalan ko na ang aking mukha para mangutang at makakain.
Hindi naman ako makapunta sa Starlight dahil mapapagalitan lang ako kay kuya Arjo at ipapamukha sa akin ang katangahan ko. Well minsan naman talaga dumadating din tayo sa punto na nagiging tanga. Pero syempre ayos lang maging tanga sa ibang bagay basta huwag lamang sa choices natin sa buhay.
Inaayos ko muna ang pagkakatali ng jacket ko sa aking beywang para naman hindi halatang maiksi ang aking suot.
Lumabas na ako sa gym para umpisahan ang paghahanap. Sa mga oras na ito, alam kong sa food court ang puntahan niya. Syempre lunchtime.
Pagkapasok ko sa food court ay hinahanap kaagad ng mata ko si Emery. Mabuti na lamang at naroon siya sa madalas naming table.
Habang naglalakad ako ay may tumawag sa akin sa di kalayuan.
"Andrea! Andrea!"
Nagpalinga-linga pa ako kung sino ang tumatawag. Si Kurt pala.
"Hi!" Nahihiyang bati ko.
Kasama niya si Andrew, na blangkong nakatingin sa akin habang kumakain ng fries.
"Sumabay ka na sa amin. Libre kita."
Gustuhin ko mang sumabay dahil wala akong pera, pero kasama niya si Andrew, and knowing what happened earlier, magmumukhang ako ang may kasalanan.
"Ahh--Ehh salamat na lang. Pero may kasabay na ako eh."
"Ganun, ba? May practice ka pala ngayon, kahit midterms?" Tanong niya.
"O-oo eh.. Ahhh sige mauna na ako. Puntahan ko lang yung kasama ko."
-Puntahan ko lang kasama ko baka tapos ng kumain at wala pang magpakain sa akin..HihIhi.-
Tumalikod na ako na hindi na muling tiningnan si Andrew.
Habang naglalakad ay naririnig ko naman ang bulungan ng mga estudyanteng kumakain.
"Si Kurt naman ang nilalandi niya... Tss"
"So siya pala yung nanggulo kanina sa Archi. Dept.?"
-I don't owe you an explanation, sabihin niyo na kung ano ang gusto niyong sabihin.-
BINABASA MO ANG
Friendzone or Lovezone (Completed) _University Series_
Teen FictionKapag dumating ka sa punto ng buhay mo na kailangan mong mamili, ano ba ang pipiliin mo? kung sa huli ay mawawala din pareho sayo. Pipiliin mo bang lumayo, masaktan, madurog o magparaya na lamang para sa ikakabuti ng lahat . Tunghayan natin ang kwe...