Third Person's POV:
Naging maayos naman ang set up ng pagkakaibigan ni Andi at Andrew, tahimik ang lahat, walang umaalingawngaw na balita sa loob ng campus tungkol kay Shantal at Andrew. Naging maganda rin ang takbo ng kanilang relasyon.Mas nakikilala na rin ni Andi si Liam dahil tinutulungan siya nito sa pagsali sa volleyball.
Ngayon nga ay thursday at try out ni Andi, kaya naman todo ang kanyang paghahanda dahil ilang buwan din siya hindi nakapaglaro.
Nasa gym sila ngayon para sa try-out niya.
"Good afternoon po coach. I'm with Miss Del Mundo, siya po yung kinukwento ko sa inyo." Pagpapakilala ni Liam kay Andi sa coach nila.
"Good afternoon po coach." Si Andi.
" Good luck to your try out Miss Del Mundo. I'm looking forward in you're performance lalo na at nirekomenda ka ng mvp natin." Sabay tapik naman ni coach sa balikat ni Liam.
"I will do my best sir. Thank you po" Sagot naman ni Andi.
Halos lahat ng mga kasamahan niyang magta-try out ay handang handa na. Sila ay nakajersey shirt at volleyball shorts samantalang si Andi ay nakatshirt at leggings.
-Magiging komportable kaya si Andi sa kanyang suot-
Nagsimula na nga ang try out, nanunuod rin ang kanyang kaibigan na si Emery na todo ang suporta sa kanya.
"Del Mundo!!! Del Mundo!!!" Sigaw ni Emery at sumabay na rin si Liam.
"Del Mundo Kayang kaya mo yan!!!!!" Sigaw ni Emery.
Hindi naman nanuod si Andrew dahil may klase ito, hindi na rin naman pinaalam ni Andi ang tungkol sa kanyang try out. Dahil umiiwas nga siya sa gulo.
"Wooaaaaaahhhh!!" Sigaw naman ni Liam.
Napapangiti naman si Andi sa dalawa.
Nagserve na nga si Andi at pulidong pulido ang hampas nito. Sakto lamang ang lakas, ang bawat tira niya ay nagkakapuntos siya.
Kaya naman lalong unmalingawngaw ang sigawan sa gym. Mayroon ding mga ibang estudyante ang nagbubulungan.
Lalo na at nangunguna si Andi sa laro. Ang mga kalaban niya ay medyo mahina kaya naman kahit si coach ay napapatango sa kanyang performance.
"Sino yang Del Mundo na yan at todo ang suporta ni Liam"
"Baka girlfriend niya"
"Ngayon ko lang siya nakita sa campus"
"Balita ko transferee yan, taga School of Teacher Education yan."
Ilan lamang yan sa mga bulungan ng mga estudyante.
Nang natapos na nga ang try out ay lumapit si coach sa mga players. Ibinabalita nito na ipopost na lamang ang magiging resulta ng laro.
Lumapit naman si Andi kay Emery dahil may dala itong towel at tubig para sa kanya.
"Wow! Grabe may patubig at towel ka pa Ems. Nakakahiya naman sayo" Nakangiting sabi ni Andi habang nagpupunas ng pawis.
"Wala yun.. ano ka ba, ako ang number 1 fan mo., Ang galing galing mo kaya kanina. Di ko akalain na may hidden talent ka pala." Maingay nitong sabi.
"Nice Game Andrea. I'm sure you're in as a varsity. Sigurado ako niyan." Sabi naman Liam.
"I hope so." Tipid na sagot ni Andi.
BINABASA MO ANG
Friendzone or Lovezone (Completed) _University Series_
Roman pour AdolescentsKapag dumating ka sa punto ng buhay mo na kailangan mong mamili, ano ba ang pipiliin mo? kung sa huli ay mawawala din pareho sayo. Pipiliin mo bang lumayo, masaktan, madurog o magparaya na lamang para sa ikakabuti ng lahat . Tunghayan natin ang kwe...