Kabanata 22:

3 3 0
                                    


Emery Rose POV:

This is really a night to be remembered, I am enjoying my time with Kurt, we started as enemies, but now we are able to diminish the tension that we had.

By the way, I'm Emery, 20 a part timer in Starlight Cafe, and a scholar of Winston University.

Naiwan kaming dalawa ni Kurt sa table, nagpaalam sa akin kanina si Andi na  tatawagan niya ang kanyang kuya.

Si Kurt naman ay panay pa rin ang asar sa akin.

" Ems kulang na lang kainin mo pati ulo ng shrimp" puna niya sa akin.

Kahit kailan talaga nakaka-asar itong lalaking ito, kung hindi lang maraming tao kanina ko pa siya binatukan.

Sinamaan ko naman siya ng tingin habang kumakain.

"Ikaw ba naman ang magtrabaho, sa hapon tapos wala pang dinner. " Masungit kong sabi sa kanya.

"Siguro construction worker ka kaya ang lakas mong kumain. Bwuhahahaha." Siraulo talaga to.

Binatukan ko na siya sa sobrang inis ko. Wala na akong paki-alam sa mga makakakita.

"Pasensya na po, palibhasa mayaman ka kaya hindi mo alam ang hirap ng buhay. " Sabay tayo kung sabi sa kanya.

" Ohh.. Saan ka pupunta? Binibiro lang naman kita."  Kinabahang sabi niya.

" Maghahalo ng semento! " Sigaw ko sa kanya.

-kaasar-

At tsaka tumalikod papuntang Rest room. Malansa na rin kasi ang kamay ko kaya maghuhugas muna ako ng kamay.

Nakasalubong ko naman si Andi na parang wala sa sarling naglalakad. Kung hindi ko pa siya hinawakan sa braso ay hindi niya ako mapapansin.

"Hey, girl ayos ka lang ba?" Tanong ko sa kanya.

"H-huh? Ahh oo . Saan ka pupunta?" Tanong nito.

"Restroom, maghuhugas ng kamay, sarap kasi ng pagkain" ngiting sabi ko.

Tumingin naman siya sa braso niyang hawak ko.

"Tapos hinawakan mo braso ko Di malansa na."

"Yung kabilang kamay naman yun.. hehe grabe ka naman gurl." Ngiting sabi ko at tsaka binitawan ang braso niya.

"Sige, mauna na ako sa table natin." Paalam niya.

Sagot ko at tumalikod na sa kanya.

-May problema ba yun?-

Pagkapasok ko nang CR ay wala akong tao na naabutan. Kaya naman naghugas na ako ng aking kamay. Natigilan ako ng may tao pala sa isang cubicle, mukhang may kausap sa cellphone.

"Nakita ko silang dalawa sa backstage, kayakapan niya ang kanyang kaibigan"

"Oo sigurado ako ."

"I have an evidence, I'll sent you the photo."

-Sino kaya ang babaeng ito? Parang pamilyar ang boses pero hindi ako sigurado.-

"So what's your plan? Huh?, Good idea. Panigurado uuwi ng wala sa oras yun."

"Kausapin mo yung isang waiter, tsaka mo palagyan ng bawal ang pagkain niya.. hahahaha, paniguradong lahat ng atensyon ng boyfriend mo mapupunta sayo."

Friendzone or Lovezone (Completed)  _University Series_ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon