Kabanata 34:

1 0 0
                                    

Andi's POV:

After nga ng shift ko ay hinatid ako ni kuya sa bahay, naabutan namin si manang na naghahanda ng hapunan. Nakaupo na rin si mommy at daddy sa dining table, kaya naman kahit kumain na kami ni kuya ay napilitan ulit kaming kumain. Mahirap na at baka magtampo ang parents namin.

Habang kami ay kumakain, biglang nagtanong sa akin si Dad.

"Kumusta kayo ni Andrew Andi?"

"Ahmmm.. P-po?" Nabulunan ako sa biglang tanong ni Dad.

Napatingin naman sa akin si mommy at abot tenga ang kanyang ngiti.

Inabutan naman ako agad-agad ni kuya ng tubig.

"Ma-maayos naman po kami Dad. Nagsa-summer class po siya." Sagot ko.

"Mukhang napapadalas ang pag-uwi niyong dalawa ng late ahh. Sana naman ay alam mo ang mga pinaggagawa mo hija. Alam mo na ang tama at mali. Ayaw kong masasaktan ka ha." Si dad.

Pakiramdam ko na hot seat ako ngayong gabi. Hindi ko pa kasi nababanggit sa kanila ang estdado ng relasyon namin. Hindi pa ako handang sabihin at baka mabigla si Dad. Kung kay mommy naman ay wala akong problema, pero kay kuya hindi ko na alam.

Masyado kasing strikto si Dad at kuya pagdating sa akin. Ang palagi nilang katwiran nag-iisang prinsesa daw nila ako at ayaw nila akong masaktan.

And I am so much thankful that they are protective of me.  They  see me as a fragile glass that can't be broken.

"A-ano po kasi Dad. Madalas niya po kasi aking hintayin kapag may practice ako. Sinasabihan ko na nga rin po siyang wag na pero ayaw niya po akong magcommute." Diretsong sagot ko habang hawak ang kutsara at tinidor.

"That's good, that she care so much about you."

Binigyan ko naman siya ng hilaw na ngiti.

Kinabahan ako roon ahh. Akala ko mabubuking na ako. Hindi naman ako masekretong tao, pero hindi pa ako handang sabihin sa kanila.

"How about you Arjo? Kumusta ang mag-ina mo? Kailan mo ba dadalhin ang apo ko rito?" Baling naman niya kay kuya.

"Kaya nga kuya, hindi ko pa nakikita ang pamangkin ko. Ang daya mo naman!" Pagnguso ko.

Napatawa naman si Dad sa inasta ko.

-Mabuti na lang Andi at naibsan ang tensyon.. Galing mo talaga.-

" Kapag kaya na ni baby ang bumangon, masyado pa kasing sensitibo at iyakin Dad. " Si kuya.

"Be a good father anak. Be matured enough para maging idolo ka ng anak mo. Ikaw ang titingalain niya." Si Dad.

"Naku hon. Napaka-cute ni Arshen, kung hindi ka lang sana busy tayo na ang pumunta sa kanila para dalawin. " Si mommy.

"Alam mo naman ang ang farm natin, walang mag-mamanage." Si Dad.

Naging maayos naman ang dinner namin. Napag-usapan rin nila ang pag-uwi ng twin brother ko. Pero wala pang exact date kung kailan.

After namin mag-dinner ay umakyat na ako sa kwarto ko upang magpahinga. Hindi naman nakakapagod ang work ko sa Starlight dahil nakaupo lang ako sa counter. Minsan tumutulong ako sa paglilinis kapag madaming tao. Pero madalas nakaupo lamang ako.

Friendzone or Lovezone (Completed)  _University Series_ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon