Kabanata 51:

3 0 0
                                    

Andi's POV:

"I'm sorry and I Miss you "

Halo-halo na ang esmosyong nararamdaman ko sa mga oras na ito. Galit, takot, selos hindi ko na alam kung paano ko ito papangalanan.

Halos mabingi ako sa sigawan ng mga tao sa paligid ko.

"Go Andrew! Higher!" Sigawan ng lahat at nagkakatuwaan.

Pero ako, hindi ko na maipinta ang nararamdaman ko, samantalang siya ay diretsong nakatingin lamang sa akin.

Naramdaman ko ang kamay niya sa hita ko ng unti- unti niyang itinataas ang garter at  para akong nakaramdam ng elektrisidad.

Inirapan ko siya at bigla akong tumayo, bahagya ko pa siyang naitulak at nai- tukod niya ang kanyang isang kamay sa buhangin.

Umalis ako sa harap niya at naglakad palayo sa maraming tao. 

Naririnig ko pang tinatawag ako ng ibang nakakakilala sa akin pero hindi ako lumingon.

Naglakad-lakad lamang ako sa may dalampasigan, hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Ramdam ko ang buhangin na kumikiliti sa talampakan ko, pati ang lamig ng tubig na humahaplos sa paa ko.

Inalis ko ang bulaklak sa aking ulo at binato ito kung saan, unti- unti rin humihina ang musika na naririnig ko. Mukhang nakakalayo na nga ako.

Hindi ko alam kung bakit ito ang nararamdaman ko.

"Andi!! "

"Andi wait. Please let's talk." Boses pa lamang niya alam ko na kung sino.

Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad at hindi siya nilingon, ano mang oras ay tutulo na ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Please, mag-usap naman tayo." Sabay higit niya sa aking braso na siyang nagpahinto sa akin sa paglalakad. Hinihingal pa siyang tumingin sa akin.

I face him and anytime soon I'm ready to fireback.

Para akong bombang handang handa ng sumabog.

"Bitiwan mo ako" Tiim bagang kung sabi, pero hindi niya pa rin ako binibitawan.

"Sabing bitiwan mo ako eh!!!" Sigaw ko.

Binitawan niya ako at napa-atras.

"Ano ba Andrea? Hanggang kailan ka iiwas sa akin? Kausapin mo naman ako dahil mababaliw na ako" nagmamakaawang sabi niya at hinarap na ako ng tuluyan sa kanya. "Please!! " Napayuko na siya at kita ko ang lungkot.

Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya.

"Wala tayong dapat pag-usapan Andrew!! Di ba?" Lakas loob kung sabi sa kanya

"Hindi natin maayos ito kung hindi natin pag-uusapan ito."

" Dahil walang dapat ayusin!!!" Hinila ko ang braso ko sa kanya at umatras. Hahakbang sana siya pero muli akong umatras.

"Alam mo.... okay na ako eh!!...Okay na okay na ako!! Ano na naman ang ginagawa mo at ginugulo mo ako!!...Pero ngayong nakita kita ulit, bumalik yung sakit at panlolokong ginawa mo !" Sigaw ko at hindi ko na napigilan ang pagluha ko. "May nagawa ba akong kasalanan sayo Andrew para durugin ako ng ganito. " Humihikbing sabi ko.

Umiiling siya pinipigilan ang pagluha.

   "No, I'm sorry... sorry!! Wala akong ibang choice noon? " Sabi niya.

Friendzone or Lovezone (Completed)  _University Series_ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon