Special Chapter :

8 1 1
                                    

Andrew's POV:

"Please naman po, huwag niyong idadamay ang girlfriend ko rito. Lahat ng utos niyo,gusto niyo, kahit nga desisyon ko sa buhay kayo na ang gumagawa  eh!! "

"You know what Andrew, don't be too serious about that girl, hindi siya ang nararapat sayo. Ang da---"

"So ano Shantal na naman? Siya na naman ang  nararapat sa akin, paulit- ulit na lang Sir." Galit na sabi ko kay Dad.

"Oo, uulit- ulitin ko sayo hanggang sa matauhan ka!!! Siya ang tutulong sayo para sa kompanya. She got all the power to raise our company!!" Sigaw rin niya and he tap on his table.

Kahit ako ay nagulat. So that's still the father that I've seen when I was 8 years old.  The monster within him. At heto na naman ako ang duwag na Andrew.

Ang mga empleyadong nakakarinig ay halos manahimik na at walang magawa.

"Now I get it, para sa sarili mo. Para sa kompanya mo. I'm not gonna Marry Shantal. Sir. Period" Sabi ko tumayo na.

"Saan ka pupunta!!! Hindi pa tayo tapos!!"

His voice thundered all over the building.

Nagpatuloy lamang ako sa paglakad papalabas ang opisina ni Dad.

Pagkalabas ko ay nagtitinginan na ang mga ibang empleyado ni Dad at natataranta na sa nangyayari.

Hanggang kailan ko ba makukuha ang approval ng tatay ko. Sometimes I wish that I can choose who will be my father. Bakit siya pa?

Pagkaabas ko ng building ay pumunta ako sa School kung saan nagpa-Practice teaching si Andi.

Hinihintay siya sa labas ng eskwelahan. I didn't text her or anything I just really need her right now. Bumaba ako ng kotse at sumandal para maghintay.

Sa malayo pa lamang ay kita ko na siya habang pinapalibutan ng mga estudyante nagtatawanan. She's holding some folders and papers on her left hand.  She's smiling and laughing with the jokes of her students. And with that all my pain right now are vanished, she's really my home.

"Ma'am si Mark po may crush daw po sa inyo." Sabi ng isang babaeng estudyante sabay turo sa classmate niya.

"Ayiieehhhhh..." Kantyaw naman ng iba.

"Stop that. You are still young and just focus with your studies. Mga batang ito.." sabay tawa niya.

Nagtatawanan sila habang papalapit sa gate.

Napahinto siya sa paglalakad at napatingin sa gawi ko. Nakasandal lamang ako sa kotse habang pinagmamasdan siya.

"Ahhy.. wala ng pag-asa si Mark. May Sir na pala si ma'am" biro ulit ng isa.

Maingay silang nagtatawanan.

"Tumigil na kayo, umuwi na kayo and do your homeworks,  ang dami niyong alam na mga bata kayo ahh." Nahihiyang sabi sa mga bata, muling tumingin sa akin na parang nahihiya.

She's really cute.

"Nagba-blush si Ma'am."  Dagdag pa isang bata.

Ngiti pa lamang niya, naibsan na lahat ng problema ko. Paano ko lolokohin ang babaeng mahal ko. Ang babaeng nagbibigay ng lakas sa akin.

                                       ----

"Shantal naman, problema mo yan hindi mo na ako kailangan pang idamay, nandito ako para gabayan ka. Hindi para akuin ang problema mo."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 29 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Friendzone or Lovezone (Completed)  _University Series_ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon