Kabanata 12:

3 3 0
                                    

Andi's POV:

Mabilis na lumipas ang mga araw,  naging Coffee Shop ang  takbo ng buhay ko sa loob ng dalawang linggo. Sa pagtatrabaho ko mas nagkaroon ako ng mga kaibigan, mas nakilala ko pa si Emery, ang tawag ko na nga sa kanya ay Ems.

Marami akong natutunan sa kanya, kung paano maging matatag, alisto sa trabaho, at syempre ang pagiging madiskarte.

Mas naging close pa kami, lalo na at same kami ng course, may dalawang subject nga ako na classmate ko siya. Pareho din kaming second year, kaya naman natutuwa ako sa kanya kasi pareho kami ng tinatahak na landas.

***

Linggo ngayon at nagsarado muna ang coffee shop, kaya naman  niyaya ko si Emery na mag-shopping kaming dalawa.


Bibili na rin ako ng gamit ko para sa school.


Sabi ko sa kanya magkita na lamang kami sa terminal, ako lang kasi ang babyahe sa malayo si  Emery naman  kasi nakatira lang  siya around the city.

Sa Mall.


"Girl sure ka ba na ililibre mo ako? Naku nakakahiya naman sa yo Andi." Tuwang-tuwa na sabi niya.


Ang cute nga ng outfit niya ngayon, naka-maong palda siya na above the knee, naka-spaghetti strap at converse.

Samantalang ako naka-white tshirt at high waisted pants at sneakers.

"Oo naman, minsan lang tayo makalabas ng Starlight. Enjoy na natin." Tuwang-tuwa kong sabi .


"Wala ng bawian ha." Sabi niya habang patuloy kaming naglalakad.


Pagkapasok namin sa isang Boutique, patuloy pa rin kami sa pag-uusap.

"Ahh..., So bukas may pasok na tayo, magwowork ka pa rin ba sa starlight?" Tanong niya.

"Ahhmm... Siguro paminsan-minsan na lang siguro depende sa schedule ko. Alam mo naman na balak kong sumali sa volleyball. " Sabi ko.

"Talagang eager ka maging varsity ahh.." sabi ni Emery habang patuloy siya sa pamimili ng mga damit.

"Syempre naman, pangarap ko kasing maging varsity player, sabi ko sa sarili ko kapag nagcollege ako magiging varsity ako. Pero depende na rin siguro kung may try-out." Sabi ko habang sinusundan ko siyang namimili ng damit.

After namin mag-shopping ay nagpunta pa kami sa time-zone para maglaro. Ang saya-saya, At sa arcade ang paborito namin.

Habang masaya kaming naglalaro ay may biglang lumapit na lalaki na mukhang kasing edad lang namin.


"Miss ako naman kanina pa kayo dyan eh"-boy


"Huh?  Eh kami ang nauna sa inyo tsaka wait for your turn" Mataray na sagot ni Emery.


Friendzone or Lovezone (Completed)  _University Series_ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon