Kabanata 8:

3 2 0
                                    




Andrew’s P.O.V. :



Sa Winston University  pala ako nag-aaral. Isa ito sa pinaka-sikat na University dito sa lugar namin, pagmamay-ari ito ng pamilya nila Shantal at karamihan sa mga nag-aaral na students ay maykaya.

My Dad pays everything kaya naman nakapasok ako dito, plus factor na rin na kaibigan ni dad ang lolo at father ni Shantal.

And my Dad designed the gymnasium of this university, that's why I am eager to be an architect because of my father. There's no turning back  for me and follow the  foot step and command of my dad. I want to make him proud kahit sa ganitong paraan lang, makilala niya ako bilang anak din niya.

Nagkakilala kami ni Shantal second year pa lang kami. We've been classmates in some other subjects, since connected yung course naming dalawa. We became friends and mas nakilala ko siya at hindi naman sa pagyayabang she cofessed her feelings to me.

At kailangan kong sundin ang gusto ni Dad na ligawan ko daw ang apo ni Sir Winsley Crusada para daw maging way na rin yun at bigyan pa si Dad ng mas maraming projects.   At agree din doon ang lolo ni Shantal dahil madalas akong ikwento sa lolo niya at nabanggit ng apo niya kung gaano ako ka-special sa kanya.Kaya naman niligawan ko siya at sinagot niya ako, At hanggang ngayon ay kami pa rin.

In time, matutunan ko rin siyang mahalin. Kahit na alam kong arrangement lang ang meron kami ni Shantal  at ayaw ko rin na malaman niya at ayaw ko din siyang masaktan.


***

5 months later...

-End of first semester-

Today is monday, at examination week na naman kaya naman kailangan kong magsunog ng kilay para makapasa for this semester. Hindi rin ako nakapunta sa kanila Andi noong saturday at sunday dahil busy . Friday ng gabi lang ako nakatambay sa kanila at hindi na ulit nagpakita at nagparamdam.

Kumusta na kaya  si Andi,  namimiss ko rin pala ang kakulitan niya, ma chat ko nga.

[CONVO]

Me: Hi Andy kumusta ka na?

Andi: Ayos lang naman, Bakit? Miss mo na ako no?

Me: Hindi ahh, Chinat lang kita kasi nakita kong online ka.

Andi: Edi wow!, hindi talaga ahhh. Huwag kang magpapakita sa akin ahhh. Panindigan mo yang sinabi mo…

Me: Huhh????

Andi: Ewan ko sayo!.

[End of Conversation]

Anong problema non?, may nasabi ba akong mali at nagalit sa akin, siguro may dalaw kaya masungit. Ang init ng ulo. Mga babae talaga hindi maintindihan. Parang si Shantal mainit din ang ulo sa akin kanina.

One week  na lang at mag eend na ang semester, at nawawalan na rin kami ng time ni Andi para magkita, kailangan ko kasing magreview ng mabuti at mahirap na rin bumagsak.

Hindi ko na rin gaanong nakaka-chat si Andi si Shantal  kasi pinagseselusan siya, palagi ko na lang ipinapaliwanag na magbestfriend lang kami, pero madalas pa rin siyang magduda. Kaya napilitan akong umiwas muna sa kanya.

Hindi ko rin naman masabi ito kay Andi dahil ayaw ko rin na dumistansya siya sa akin.

Mabilis dumaan ang mga araw,  its thursday and first day of final examination, at last week pa nag-start ang enrollment for the second semester.

12:00 na ng tanghali kaya naman naisipan kong pumunta na sa food court para kumain. Mag-isa lang ako ngayon dahil hindi ko pa alam kung anong oras matatapos si Shantal. Kaya naman dumiretso na ako at naghanap ng bakanteng upuan.

“Hi Babe.” Bati ni Shantal sabay yakap sa likod ko.

“Ohh. Hi Babe, ginulat mo naman ako, tapos na ba ang exam mo?” tanong ko sa kanya.

Nagulat ako dahil hindi ko inaasahan ang pagdating niya.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin tsaka siya umupo sa bakanteng upuan sa harap ko.

Pinag-titinginan naman kami ng mga students, kilala kasi kami ng buong campus. Binansagan pa nga kami  na Wins U's couple.

Malawak ang food court ng School. Pinalilibutan ito ng glass window, kahit ang door ay glass din. Pinalilibutan ito ng iba't ibang food carts, puti ang tiles, ang  mga puting round tables ay nasa gitna , ang mga upuan naman ay kulay red.

“Ahh, hindi pa Babe, mayroon pang dalawa mamaya”  Malambing na sagot niya.

“Okay.. good luck mamaya ahh." Sabi ko sabay subo ng pagkain.

“Eh ikaw tapos na ba ang exam mo?” Tanong niya.

“Oo, katatapos lang, wala na rin akong exam this afternoon." Sagot ko.

Labas naman tayo mamaya after ng exam ko Babe."

Hindi ko na nasagot si Shantal dahil biglang nagring ang phone ko. a message from Andi

- Kanina lang mainit ang ulo ngayon nakakapagtext na, lumipas na siguro ang init ng ulo.

[Convo]

Andi: Nasaan ka? Nandito ako sa may gymnasium dito sa school.

Me: Huh? Anong ginagawa mo rito?

Andi: Magpapa-enroll ako. I need your help maliligaw ako dito di ko alam ang pupuntahan ko .

Me: Wait lang…. hintayin mo ako.

Habang nagtetext kami ni Andi kwento naman ng kwento itong si Shantal. Hindi ko na maintindihan ang kwento niya dahil naging abala ako sa pagre-reply kay Andi.

“Ano na , babe? . Your so busy with your phone.” Naiiritang sabi ni Shantal.

Ahhmmm. Pwede bang next time na lang. nandito kasi si Andi sa school mageenroll daw siya at she needs my help.”

“What ? Andy na naman. Why? Is she can’t enroll without you?”. Naiiritang sagot niya.

“She’s new here. At wala siyang ibang kakilala bukod sa akin. Please next time I promise.”

Okay fine, Can I go with you to meet her personally?” Sabi niya.

“You have your exam right? "

Oo nga pala. Sige next time na lang."

After naming kumain ay inihatid ko muna si Shantal sa next exam niya.

Nang maihatid ko na si Shantal ay dumiretso na ako sa gym. Nakita ko siyang nakaupo  sa bench  ng gym, may nakatayong lakaki sa harap niya wearing a jersey.

Isang varsity player ng basketball. Anyways, Andi's  wearing a white v-neck t shirt and jeans and a black sneakers, simple and beautiful I never saw her wear make-ups or any blings.

Nang nakita niya ako ay kinawayan ko ito.

Tsaka na rin  ako naglakad papalapit sa kanya.

***

Don't forget to vote, comment and follow for new updates..

Thank you!!

Take care friend🙂

All Rights Reserved. Friendzone/Lovezone

Friendzone or Lovezone (Completed)  _University Series_ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon