Kabanata 21:

3 2 0
                                    



***

Laking gulat ni Andi ng makitang muli ang dati niyang kaibigan na si Lexi Angeles, ang laki ng pinagbago niya hindi na siya yung dating my eye glassses at tahimik na nakilala niya. Ngayon ibang iba ang katauhan niya.  Fiercer, palaban at tumaray.

"L-Lexi?" Gulat niyang usal.

Lumingon naman siya kay Andi at tsaka umupo malapit kay Shantal.

"Andrea??" Si Lexi.

"Nandito ka? I thought you're in Cebu?, Long time no see." Sabi ni Lexi.

"Wait? How did you know each other?" Si Shantal.

"We used to be BESTFRIENDS noong high school kami, pero ngayon hindi ko na alam."   pagdidiin  ni Lexi sabay sulyap kay Andi. "Ikaw? Paanong nakilala  mo si Andi, Shantal?" Lingon niya kay Shantal.

Para namang binuhusan ng malamig na tubig si Andi ng muli niyang makita ang dating kaibigan, bumabalik lahat ng alaala niya kung papaano nasira ang friendship nila.

"Ohh.. Magbestfriend sila ni Andrew. Kaya kami nagkakilala ni Andrea." Sabi ni Shantal sabay hawak sa braso ng boyfriend niya.

"Sissy. Be careful bantayan mo yang boyfriend mo. Sa panahon ngayon marami ng ahas. Mahirap na nasa tabi tabi lang ang mga yan naka-kalat." Si Lexi at palihim na sumulyap kay Andi.

Si Andi naman ay nakatungo na lamang sa kinauupuan niya, tahimik, hindi alam ang gagawin, pakiramdam niya sa mga oras na ito wala siyang kakampi. Lumiliit na ang  mundo niya, lahat ng mga iniiwasan niyang makita ay unti-unting bumabalik.

Walang nakaka-alam kung bakit dali-dali siyang nagdesisyon na sumama sa Tita Martina niya sa Cebu noon. Dahil gusto niyang umiwas kay Lexi, noong nasa Cebu na siya, nabalitaan niya na lamang na pumunta na siya ng U.S.

Pero ngayon kaharap na niya ito sa di inaasahang pagkakataon. Panigurado siya galit pa rin ito sa kanya.

"Excuse me." Paalam ni Andi at pumunta ng CR.

Pagkapasok niya sa loob ay napabuntong hiniga siya at nakatingin lamang siya sa repleksyon niya sa salamin. Nangingilid ang kanyang mga luha, pero pinipigilan niya ang kanyang emosyon.

-Stay Calm Andi, wala kang kasalanan kaya wala ka dapat ipagkabahala, wala kang inagaw kay Lexi.

Inayos niya ang kanyang sarili at tsaka bumalik sa table nila na parang walang nangyari.

Pagkaupo niya ay sumulyap siya kay Andrew, nagtama ang kanilang paningin ngunit hindi niya mabasa kung anong emosyon ang pinapakita niya.

Samantala nagulat na lamang siya ng lumapit si Liam sa kanya at inaya siyang sumayaw. Dali-dali naman niya itong tinanggaop upang maka-iwas na rin sa mga taong ayaw niyang makasalamuha sa mga oras na iyon.

"Are you okay?, You look pale" Pansin ni Liam sa kanya.

"Huh? A-ayos lang ako, sa make up lang yan." Nakangiting sagot niya.

Friendzone or Lovezone (Completed)  _University Series_ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon