Kabanata 18:

3 3 0
                                    

Andi' s POV:

Excited ang lahat ng mga taga Architecture & Engineering at School of Teacher Education  department dahil mamayang gabi na ang pinakahihintay ng lahat, ang students night.

Everyone are talking about their gowns and suits to be worn later.

Samantalang ako hindi ko pa alam kung ano ang susuotin ko. Sabi naman ni mommy siya na raw ang bahala. Sa make up and hair wala naman akong problema dahil sagot na raw ni Luigi.

Its friday  at mamayang hapon wala na kaming klase for the preparation for tonight's event.

Hindi na rin muna ako sasabay kay Andrew ngayon pauwi dahil sa coffee shop na kami mag-aayos nila Emery.

It' s already 12:00 kaya naman magla-lunch muna kami ni Emery sa food court bago pumunta sa coffee shop. Magwowork muna daw siya tutal mamayang 8:00 ng gabi pa naman start ng program.

Dumiretso na kami sa food court at pumwesto kami sa may bandang gilid para hindi gaanong pansin ng mga tao. Mahirap din kasi pumwesto sa gitna, nakakahiyang kumain kapag maraming nakakakita.

Nang nakahanap na kami ay nagpaalam muna ako kay Emery na ako na ang pipili ng lunch namin.

Pumila naman na ako, medyo may kahabaan ang pila dahil lunch time.

Habang nakatayo ako ay nakita kong nakalas ang shoe lace ko kaya tinali ko muna ito. Nang tumatayo na ako ay may isang student na tumatakbo at nabangga ako, kaya naman ay na-out of balance ako.
Masyado rin kasi siyang mabilis at di ko inaasahan ang pagkabangga niya sa balikat ko.

Ipinikit ko na lang ang aking mga mata at hinihintay na tumama ang likod ko sa sahig. Pero laking gulat ko na wala man lang akong maramdaman na sakit mula sa pagkakatumba.

" Are you okay?" Isang pamilyar na boses ang aking narinig.

Pagmulat ng aking mga mata ay halos isang dangkal na lamang ang layo ng kanyang mukha sa akin si...

"A-akala ko umuwi ka na?" Tanong ko kay Andrew.

Napahawak naman ako sa kanyang balikat. Milyon-milyong boltahe ng elektrisidad ang nararamdaman ko sa oras na ito.

Kuryente.

Kuryente.

Kuryente.

Kuryente.

Natauhan na lamang ako ng bigla niya akong itinayo ng maayos.

"Mahirap mag-drive ng gutom. Ang bigat bigat  mo talaga." Sabi niya.

"So-sorry" Sagot ko.

"Ate sorry po, hindi ko po sinasadya." Sabi naman ng nakabangga sa akin.

"It's okay, It was an accident."  Sagot ko.

"Next time be careful ha" Singit naman ni Andrew.

" Okay po .. pasensya na po talaga" Sabay na nagmamadaling umalis ang student na iyon.

"Salamat pala sa pagsalo, akala ko babagsak na ako sa sahig."  Ako

Napansin ko naman si Shantal sa di kalayuang table na masama ang tingin sa akin.

Ang ibang students din ay nakita ang pangyayari. Kaya naman umayos na ako sa aking pila.

"Sinadya niya yan para mapansin ni Andrew" bulong ng isang estudyante.

Hindi ko naman na pinatulan dahil ayaw ko ng gulo.

Friendzone or Lovezone (Completed)  _University Series_ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon