Kabanata 11:

3 3 0
                                    

Andi's POV:

Two weeks na lang at magpapasukan na, napagdesisyunan ko na magpart- time muna sa coffee shop ni kuya Arjo. Medyo may kalakihan na rin kasi ang tiyan ni ate Krisha ( asawa ni kuya), kaya nagtrabaho muna ako at para makatulong na rin .

Wala rin naman akong ginagawa dito sa bahay, sila Mom at Dad naman palaging busy sa farm. Si Manang lang ang palagi kong kasama sa bahay, minsan sinasamahan ko naman si Tita Lermy sa pagbake.

Starlight Coffee Shop.

Matatagpuan ang coffeshop malapit sa Winston University, madalas dito ang tambayan ng mga students. Palagi itong puno ng customers, kaya naman nag part time muna ako dito dahil kulang sa tao sila kuya.

Students din ang mga part timer, kagaya na lamang ni Emery Rose Landingin, nagiging ka-close ko siya at siya rin ang nagtrain sa akin, nag-aaral din siya sa Wins U at same din kami ng course. Si Luigi Gomez naman Tourism student at siya ang beshy namin ni Emery.

Kaya naman na-eenjoy ko ang pag-work dito, at hindi rin ako nahihirapan dahil sa counter ako naka-assign. Pero kapag sobrang dami na ng customers ay tumutulong na rin ako magserve.

Hindi naman busy ngayong araw na ito dahil semestral break, kaya naman may time kami magkwentuhan nila Emery.

" So, next sem ka pa lang magee-start sa Wins U girl?" Tanong ni Emery sa akin.

" Ahh oo, kinakabahan nga ako, Ano ba ang dapat kong abangan sa department natin?" Tanong ko.

Sinusundan ko si Emery dahil siya ay naglilinis ng glass door, 8:00 pa lang ng umaga at wala pa naman customers.

"Bukod sa araw-araw na class natin, syempre ang mga poging students ng department natin at ang ating poging varsity player.ayiiehhh... " Kinikilig na sabi nito.

"Ang ibig kong sabihin mga programs sa second semester. Hindi yung mga poging lalaki.." sabi ko.

"Ano ka ba syempre kasama na yun..hahahaha.. Tsaka may Students night din tayo ang madalas na kasama nating department ay engineering and Architecture." Sabi niya habang abala sa paglilinis.

"Ahh.. okay..May try out ba for volleyball women? Gusto ko kasing maging varsity player."

"Huh? " Napahinto siya at tumingin sa akin. "Bakit sasama ka pa sa varsity eh rich kid ka girl, di mo na kailangan ng scholarship" sabi niya at nakapameywang na sa akin.

" Hindi ako mayaman, Tsaka ayaw ko naman i-asa lahat sa kanila mommy at daddy ang pag-aaral ko, Si kuya Arjo may sarili ng pamilya. Kailangan ko din maging independent." Paliwanag ko.

" Ang swerte mo nga eh, dahil may mapagmahal kang pamilya, hindi tulad ko na kailangan ko pang magtrabaho para makatulong sa kanila mama. Kung anu-ano na kayang work ang pinapasok ko para matustusan ko ang pag-aaral ko."

"Ano ka ba wag mo ngang gawing basehan yan. May kanya-kanya tayong kwento at tsaka ako nga hindi porket may kaya kami iaasa ko na lahat sa kanila. Gusto ko rin matuto at tumayo sa sarili kong mga paa, kaya nga ako nagtatrabaho di ba. Tsaka favorite ko kasi ang volleyball." Mahabang kwento ko.

Friendzone or Lovezone (Completed)  _University Series_ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon