Andrew's POV:
The music is playing so loud, Ang dami na ring mga estudyante ang nagdadatingan. Ang lahat ay nag-gagandahan at ga-gwuapuhan sa kanilang mga suot.
Abala na ang lahat, may nagsasayawan, tawanan, kumakain. Pero ako hindi mapakali, may hinahanap akong tao na gusto kong makita ngayong gabi.
Nakatayo ako sa harap malapit sa stage ng nahagip ng aking mga mata si Andi....
Saktong tumugtog sa chorus ang kanta ni Taylor Swift.
Can't you see
That I'm the one
Who understands you?
Been here all along
So, why can't you see
You belong with me
Papasok si Andi while the music is playing, Nagtama ang mga mata namin. Sa mga oras na ito siya lang ang nakikita ko. Napakaganda niya, hindi ko lubos maisip na mas maganda siya kapag naaayusan. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko halo-halong emosyon.
Tugs.
Tugs.
Tugs.
Tugs.
Tugs.
Pakiramdam ko aatikihin ako, sa buong buhay ko ngayon ko lamang naramdaman ito. The way she smiles, it literally melts my heart.
May ibinulong sa akin si Shantal pero hindi ko na alam kung ano ang mga sinasabi niya. Masyado akong akupado sa presensya ni Andi.
Bumalik lamang ako sa sarili kong wisyo ng may lumapit sa kanyang lalaki at may itinuro sa kung saan. Iginiya siya papunta roon. May naramdaman akong pait ng hinawakan siya sa likod. Alam ko naman na wala akong karapatan para maramdaman ito, pero bakit nasasaktan ako. Maling mali, hindi pwede ang ganito--may masasaktan ako.
Pinipilit kong umiwas para walang masaktan, hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob na lumapit sa kanya. Maraming mata ang nakatingin sa amin.
---
Nakita ko si Shantal papunta sa table namin kasama si Andi at Emery. Umupo sila sa table namin.
Iyong iniiwasan ko, lumalapit sa akin. Nagvibrate ang phone ko kaya naman kinuha ko ito sa aking bulsa.
[A MESSAGE FROM MOMMY]
MOM: Anak take a photo with Andi For keeps. Okay. Enjoy your night.
Binasa ko lamang ito at hindi nagreply pa.
Paano ko gagawin yung eh umiiwas ako sa tao. Arghhhhh.... Ang hirap ng sitwasyon namin."L-Lexi?" Narinig kong nagsalita si Andi.
Dumating kasi ang kaibigan ni Shantal.
"Andrea?? " Si Lexi.
-They know each other?
"Nandito ka? I thouht you're in Cebu?, Long time no see." Sabi ni Lexi.
"Wait? How did you know each other?" Si Shantal.
"We used to be BESTFRIENDS noong high school kami, pero ngayon hindi ko na alam." Sabi ni Lexi sabay sulyap kay Andi. "Ikaw? Paanong nakilala mo mo si Andi, Shantal?" Lingon niya kay Shantal.
Naguguluhan na ako sa mga sinasabi nila. Si Andi naman ay tahimik lamang at nakikiramdam. Halatang hindi na siya komportable sa nangyayari.
"Ohh.. Magbestfriend sila ni Andrew. Kaya kami nagkakilala ni Andrea." Sabi ni Shantal sabay hawak sa braso ko.
BINABASA MO ANG
Friendzone or Lovezone (Completed) _University Series_
JugendliteraturKapag dumating ka sa punto ng buhay mo na kailangan mong mamili, ano ba ang pipiliin mo? kung sa huli ay mawawala din pareho sayo. Pipiliin mo bang lumayo, masaktan, madurog o magparaya na lamang para sa ikakabuti ng lahat . Tunghayan natin ang kwe...