Kabanata 23:

2 2 0
                                    


Andrew's POV:

Nabigla ako dahil hindi si Shantal ang nanalo ngayong gabi, inaasahan ko na siya ang babanggitin pero hindi. Ngunit inaamin ko kakaiba ring saya ang naramdaman ko ng si Andi ang tinawag.

Tumayo ako upang ilahad ang aking kamay.  Nagulat siya dahil wala siyang ideya na mananalo.  Hindi ko alam pero noong hinawakan na niya ang kamay ko. Kakaiba ang tibok ng puso ko. Parang lalabas na yata sa dibdib ko sa sobrang kaba.

Kuryente.

Kuryente.

Kuryente.

Ganito na lang palagi ang nararamdaman ko sa tuwing nahahawakan ko ang kanyang mga kamay. Kanina nabigla din ako  noong niyakap ko siya sa backstage.

Pakiramdam ko kasi nangulila ako sa kanya ng sobrang tagal. Hindi ko rin alam pero hindi ko nakontrol ang sarili ko at nayakap ko siya.

Habang paaakyat kami ng stage ay bumulong siya sa akin.

"Hindi ba magagalit sa akin si Shantal?, Ang sama ng tingin niya sa akin."  Inginuso niya ang gawi ni Shantal.

Natawa na lang ao sa itsura niya. Ang cute. Ano ka ba Andrew. Hindi pwede. Erase. Erase.

"Hindi yan, nabigla din siguro siya." Sagot ko.

We had our first dance, Si Emery naman ay kinuhanan kami ng litrato. At nakipag-groufie na rin.  After niyang magpicture ay umalis na rin siya.

"Hindi ako sanay ng ganito Andrew. Baka awayin ako ni Shantal." Kinakabahang sambit niya.

"Don't worry AndiPotpot, I got you" sagot ko.

"First time na may nagsayaw sa akin, Hindi ko kasi na-experience ang JS Prom."

"Edi sulitin na natin ito." Diretsong tingin ko sa kanyang mga mata.  "Bagay mo pala ang kulot"

"Ganun ba. Hindi na ako maliligo bukas para hindi maalis." Sagot niya.

"Nagmukha kang witch.. Kulot salot. hahaha." Biro ko sa kanya.

Hinampas naman niya ako sa braso at natawa na lamang kaming dalawa.  We continue dancing at ganoon din sa iba.

Pagkabalik namin sa upuan ay naabutan namin si Shantal na may pasurprise sa amin.

"Congrats Andrea.." Niyakap niya si Andi.

Nagulat naman si Andi sa naging reaksyon ni Shantal.

She gave me a kiss on my cheek.

May nakahanda namang pagkain sa lamesa. It looks delicious.

"I prepared a food for us, para na rin celebration sa pagkapanalo niyo. Tikman niyo masarap yan. Ako pa nagrequest sa waiter nyan." Nakangiti at masayang sabi ni Shantal.

It's a tuna pasta.

Tinikman ko at masarap naman talaga.

Si Andi naman ay hindi pa kumakain, at umiikot ang kanyang mata sa paligid.

"Si Ems? Saan siya pumunta Kurt?" Tanong ni Andi kay Kurt.

"Hindi ko alam. Pati nga si Lexi wala rin dito eh." Si Kurt.

"Andi, mamaya mo na sila hanapin. Kainin mo na yan .. it's delicious" Si Shantal.

"A-anong pasta ito?" Tanong ni Andi.

Friendzone or Lovezone (Completed)  _University Series_ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon