Kabanata 29:

1 1 0
                                    

Andi's POV:

Nagising ako na ang bigat-bigat ng pakiramdam ko, Idagdag pa na sobrang sakit ng aking ulo.

Umupo ako sa aking kama at humarap sa salamin, halata ang pamumugto ng aking mga mata. Halatang umiyak ako buong gabi.

Gusto ako ni Andrew.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa confession ni Andrew pero pakiramdam ko mali ang pagmamahal na nararamdam niya para sa akin.

I don't know if it is a real love, or just a painful love.

Ayukong masira ang pagkakaibigan naming dalawa. Ayuko na sa isang confession masisira ang pagsasamahan namin.

I never had a bestfriend that I can trust. Sa kanya ko lang naramdaman ang tunay na pagmamahal ng isang totoong kaibigan. If this love will break our friendship, I will not risk it all.

...

Inuubo at sinisipon ako, kaya naman hindi na ako pumasok pa. Mabuti na lamang at natapos ko na ang exams ko, kaya naman hindi na problema sa akin kung aabsent ako. Pero may problema ako dahil hindi ko pa nakukuha ang gamit ko sa locker.

Siguro sa monday na lamang kapag nakapasok na ako.

Wala sila mommy at daddy ngayon dahil pumunta sila sa Cebu para sa isang seminar.  At nagbakasyon na  rin kay Tita Martina. Si manang naman ay umuwi sa kanila dahil binyag ng kanyang apo.

Mag-isa lamang ako dito sa bahay at hindi rin nila alam na may sakit ako. Hindi ko na rin sinabi dahil panigurado papatigilin ako ni Dad sa paglalaro ng volleyball, syempre ayaw ko naman  i-give up ito. At baka bigla rin silang sumugod dito sa bahay at hindi na nila ituloy ang pag-attend  sa seminar.

Nararamdaman ko ang sobrang init ng hininga ko, kaya naman bumalik ako sa aking pagkakahiga sa kama.

Wala rin akong ganang, kumain kaya naman ihiniga ko na lamang at natulog ulit.

Nagising na lang  ako ng mag-12:00  na ng tanghali.

Bumaba ako upang kumuha ng maiinom na tubig sa ref.

Umupo ako sa dining table. Habang sumisimsim ng tubig ay naalala ko na naman si Andrew. Sobrang sakit kasi wala akong magawa, o masyado lamang ako pinangungunahan ng takot ko, at hindi ko rin maamin sa sarili ko na nahuhulog na rin ako sa kanya.

Kaya pala, kakaiba ang pakikitungo niya sa akin noong mga nakaraang buwan, kung paano niya ako protekthan at alagaan. Minsan napakabait niya sa akin at gentleman. Hindi ko naman ito pinapansin dahil nakasanayan ko na ang ganitong mga kilos niya.

But he confirmed it ,  through his moves and the way he look directly on my eyes.

Oh my God! Limwell Andrew Versoza really likes me.

Totoo ba ito?

Panigurado kapag nalaman ng buong Wins U, baka patambangan na ako sa kanto. Marami ang magagalit at masisira ang mundong inuumpisahan ko sa Wins U. Marami pa namang estudyanteng mashowbiz sa school. Haysst.

Napatigil ako sa pag-iisip ng may kumatok.

Dahan-dahan akong tumayo at naglakad dahil nakaramdam ako ng pagkahilo. Nakabalot pa ang katawan ko sa kumot.

Pinagbuksan ko at bumungad sa akin si Tita  Lerma (mommy ni Andrew) .

"Hi!!  Oh hindi ka pumasok?" Nagulat na bungad niya sa akin may dala siyang ulam "Where is your mom?, Akala ko nandito siya. Nagluto pa naman ako ng nilagang baka."

Napaubo ko at napasinghap.

Hinawakan niya ako sa noo.

"Naku. Napakataas ng lagnat mo. Wala ka bang kasama rito? Uminom ka na ba ng gamot?" Sunod-sunod na tanong ni tita at dumiretso sa kusina upang ilagay ang dalang ulam.

Friendzone or Lovezone (Completed)  _University Series_ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon