Kabanata 36:

2 0 0
                                    

Andi's POV:

Pagkalabas ko ng gym ay tuliro akong naglalakad, hindi ko alam kung saan ako pupunta.  Hindi ko alam kung papaano ko haharapin si Andrew at ipaliwanag sa kanya ang dahilan ng pag-iyak ko.

At si Liam? Pa-paano si Liam. Walang kaalam-alam yung tao at nadamay pa sa gulong ako ang nagdulot.

Nagpatuloy ako sa paglalakad  didiretso na sana ako sa terminal ng bus.  Nahihiya kasi akong magpakita kay Andrew, at galit dahil sinuntok niya si Liam at hindi man lang humingi ng dispensa.

Pero napahinto ako at napatingin sa suot ko. Hindi na pala ako nakapagbihis at napakaiksi ng shorts ko, punuan pa naman ang mga bus at hindi maiiwasang mabastos.  

Sinubukan kung ibaba ang shorts ko pero wala.

"Magco-commute ka wearing that?" Muntik pa akong mapatalon sa gulat ng marinig ko ang boses ni Andrew.

Hindi ko siya tiningnan at hinubad ko ang jacket na suot ko at itatali ki sana sa beywang ko ng bigla niya itong inagaw sa akin.

Tiningnan ko siya at napakadilim ng tingin niya sa akin, salubong ang makakapal nitong kilay at nagtitiim-bagang. Alam kong napakarami nitong tanong sa kanyang isipan ngunit hindi niya ito magawang masabi.

Kahit galit siya.  Ramdam ko pa rin ang pag-aalala sa kanyang boses.

Hindi ko alam pero naiiyak na naman ako.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya, alam kong binabasa niya ang bawat galaw ko at ayaw kong makita niya akong ganito. Pinulot ko ang aking bag at nilampasan siya.

Hindi ko na inagaw ang jacket ko dahil alam kong hindi niya rin ito ibibigay.

Nakakatatlong hakbang pa lamang ko ng maramdaman ki ang paghila niya sa kamay ko.

"Let's go home!" May awtoridad nitong sabi.

Nagpatianod naman ako sa kanya at hindi na nagpumiglas pa.

Bumalik kami sa school dahil doon nakapark ang kotse niya.

Hihilain ko sana ang kamay ko pero mas hinigpitan pa niya ang pagkakahawak sa akin. Nasa kabilang kamay naman niya ang jacket ko.

Nakita ko ang matatalim na tingin ng ibang mga estudyante, at alam ko na ang ibig sabihin nito.  Lalo na at trending pa naman sila dahil sa viral video nila ni Shantal.

Pagkarating namin ng parking lot ay tsaka niya lamang ako binitawan at hinarap ako.

"Aren't you going to explain what happened earlier? Why is that man  tying your shoe lace? Can't you do it yourself?" Sunod-sunod na tanong nito.

Naiiyak na ako pero pinipigilan ko ang sarili kong emosyon.

" Nagulat na lang ako sa ginawa niya at hindi ko inasahan yun." Mahinahon kong sagot.

"Bakit ka umiiyak kanina?" Tanong niya sa akin.

Napaiwas naman ako ng tingin dahil naalala ko na naman ang napanuod ko.

Sa pagiwas ko ng tingin sa kanya ay nahagip ng paningin ko ang paparating na si Shantal kasama ang kanyang kaibigan na si Lexi.

She's wearing a white short skirt and a pink fitted blouse partnered it with high stilletos.  Nagsusumigaw ng kagandahan.

I can see Andrew on my peripheral vision that his staring at me directly, kahit na alam kong kita niyang papalapit sa amin si Shantal.

"Hi Andrew!! Ice cream ulit bukas!!" Malambing na sabi nito at napatawa. 

Friendzone or Lovezone (Completed)  _University Series_ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon