Kabanata 35:

2 0 0
                                    

Andi's POV:

Mabilis na natapos ang summer classes. At ngayon ay back to reality na naman ako.

May pasok na at kagaya ng dati ay busy na naman sa academics at ang pagiging varstiy player.

Madalang na naman kami magkita ni Andrew dahil pareho kaming naka-focus sa school works.

Ang palagi ko lang kasama ay sina Emery at Kurt. Syempre hindi mapaghiwalay ang dalawa, kung hindi ko pa sila tatanungin hindi pa rin nila aaminin ang relasyon nilang dalawa.

Alam na rin nila ang relasyon namin ni Andrew. At syempre si Emery ay tuwang-tuwa dahil siya raw ang unang naka-alam na may gusto nga sa akin si Andrew.

***

It's lunch break at sasabay daw sa amin si Andrew. Kaya naman umorder na ako ng pagkain niya at hinihintay na lang namin ang pagdating niya.

Habang naghihintay ay naghaharutan naman ang dalawa sa harap ko.

"Masyado naman kayong PDA" sabi ko sa dalawa.

"Hay naku, Andrea Keith Del Mundo, ginusto mo ang ganyang set up ng boyfriend mo. Tapos maiinggit ka." Si Emery.

"Hindi ako inggit okay. Sinasabi ko lang, tinitingnan na kayo ng ibang kumakain oh." Sabay lingon ko sa mga estudyanteng nasa kabilang table.

Tumawa naman ang dalawa at inaasar nila ako.

Hindi ko na lamang sila pinansin at inabala ako ang sarili sa aking cellphone.

-Ang tagal naman niyang dumating-

I texted him.

To :Andrew 💓

Where are you ? Nasa food court na kami hinihintay ka.

My phone beeped

Napatingin naman ang dalawa sa akin.

Andrew 💓

Malapit na.

"Anong sabi?" Tanong ni Kurt.

"Malapit na raw siya." Sagot ko sa kanya.

Nang tumingin ako sa bukana ng food court ay nakita ko na nga siyang naglalakad at... at kasabay niya si Shantal.

Ang ibang students ay napapatingin sa kanila.

Wala lang ito Andi. Syempre pareho sila ng department malamang magkasabay talaga silang pupunta rito.

May sinasabi si Shantal kay Andrew na siyang nagpangiti sa kanya.

Happy siyang kasama si Shantal. Ayaw kong mag-isip ng kung ano-ano, may tiwala naman ako kay Andrew. Pero papaano kaya kapag hindi niya ako kasama. Palagi pa naman sila nagkikita sa department nila. Eh ako halos hindi nga kami magkita. Ano kayang pinag-uusapan nila kapag silang dalawa lang.

Napailing na lang ako sa sarili kong mga iniisip.

"Ginusto mo yan girl, secret girlfriend kaya wag kang ma-hurt." Biglang sabi ni Emery na siyang kumuha sa atensyon ko.

"Hindi naman ako nagseselos ahh.." Depensa ko.

"Sinabi ko bang nagseselos ka."

Kaasar talaga siya paminsan-minsan alam talaga ng babaeng ito kung kailan ako aasarin.

Babatuhin ko sana siya ng fries ng nagtago siya sa likod ni Kurt.

"Babe ohh.. sinasaktan niya ako." Tawa niyang sabi sa kanyang nobyo.

Friendzone or Lovezone (Completed)  _University Series_ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon