Kabanata 26

2 2 0
                                    

Andi's P.O.V. :

Madalang akong sumabay sa pagpasok at uwi kay Andrew lately. Kapag nagkikita kami  sa bahay, madalas hindi ko maramdaman ang presensya niya. Tahimik lang siya at palaging salubong ang kanyang mga kilay.

Hindi na ako nang-uusisa kung ano man ang problema o pinagdadaanan niya, siguro hindi pa siya handang ishare kung anuman ang bumabagabag sa kanyang isipan.  Kabisado ko naman ang ugali niya, kung gusto niyang sabihin hindi ko na kailangan pang magtanong dahil kusa niya itong ikukwento.

Pakiramdam ko tuloy minsan lumalayo na siya sa akin. Kung sabagay ginusto ko naman ang ganitong set-up, I don't blame anyone but myself.

---

Maaga akong papasok ngayon dahil focus na kami sa pagpapractice, Next week na kasi ang foundation week at may sports fest pa. 

Sabayan pa na Midterms namin, nakakaya ko naman na pagsabayin ang pagiging varsity player at ang studies ko. Nasabi ko na rin sa kanila mommy at daddy, hindi ko rin kasi kaya magtago ng sekreto kaya nabanggit ko na rin sa kanila na nagba-volleyball ako.  At first, natakot ako dahil puro sermon ang narinig ko kay daddy.

It's thursday at midterms namin pero obligado pa rin akong makipractice kaya naman 4:30 pa lang ng madaling araw ay gising na ako. 12:00 pa naman ako natulog dahil kailangan kong magreview.

Pagkababa ko ay dumiretso na ako sa kusina at naabutan ko si manang na nagluluto.

"Good morning po manang, Sana hindi na po kayo nag-abala na magluto, sobrang aga pa po."

"Hay naku, Keith mas mahirap ang pumasok na walang laman ang sikmura, manghihina kang bata ka. Tsaka wala kang magiging lakas na pumalo ng bola kapag gutom."

Napangiti naman ako sa sinabi niya at naupo na rin ako sa counter table namin.

Si manang lamang ang tumatawag sa akin na Keith at ayos lang naman sa akin yun at  nasanay na rin ako.

"Salamat po kung ganun. Pagkatapos po ninyo, matulog pa po ulit kayo dahil masyado pang maaga at makapagpahinga pa  po kayo."

Tumango naman si manang bilang sagot.

Medyo may edad na rin kasi si manang, mula nang bata pa lang ako ay kasama na namin siya sa bahay.

Pagkatapos kong  kumain ay umakyat na ako at naligo. Isinuot ko na ang varsity uniform namin. Noong una, naasiwa pa ako dahil sobrang iksi ng shorts, pakiramdam ko tuloy naka-panty lang ako. Pero wala naman akong choice dahil hindi rin ako komportable kapag naka leggings. Nagpatong na lang ako ng jacket at jogging pants dahil malamig pa sa labas at magko-commute lang ako.

Eksaktong alas-sais naman ako nakarating ng Wins U. Pagkapasok ko sa gym ay iilan pa lamang ang mga tao.

Kaya naman umupo muna ako sa bleacher at nag-scroll sa facebook. Nakita ko ang post ni Emery, naka-bunny headband siya at naka-braid ng dalawa ang kanyang hair.   Habang suot ang uniform sa coffee shop.

Ewan ko ba kay kuya, kung ano-ano ang pakulo niya sa coffee shop. Effective naman dahil maraming customers palagi.

Pinusuan ko ang kanyang post.

Nagscroll pa ako ng scroll at nakita ko ang bagong post ni Andrew, nakatalikod siya at may caption na 'letting all go'. Napakunot naman ang kilay ko. Nakaka-curious talaga ang pinaggagawa niya.

Nagulat naman ako ng may biglang nagsalita sa harapan ko.

"Good morning" Bati niya.

Halos mabitawan ko ang aking cellphone sa sobrang gulat. Si Liam pala.

Friendzone or Lovezone (Completed)  _University Series_ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon