Andi's POV:
After ng vacation namin ay napagdesisyunan ko ng lumuwas ng Maynila.
Andrew's always supportive in every step I am taking, hindi siya nagdalawang isip na payagan ako. At ganun rin naman ako sa kanya.
Naging abala rin kasi siya sa pag-aaral lalo na at malapit na rin siyang grumaduate.
Si Emery naman ay nanatiling nagpa-part time sa starlight cafe habang nagrereview. At syempre going stronger pa rin ang relationship nila ni Kurt.
Madalas lamang kaming nakakapag-usap ni Andrew sa video call or minsan sa tawag.
May mga time din kasi na tutok ako sa pagre-review. At wala akong panahon na makipag-usap.
Madalas nga rin sinasabi ni Mommy at Daddy na huwag ako masyadong magseryuso, that I also need to take a break.
But for me, wala dapat akong masayang na oras, I am always stick on my goals.
***
Naglalakad ako papunta sa review center ng magkita kami ni Liam, hindi ko inaasahan na magkikita kaming dalawa dito sa Maynila.
"W-what are you doing here?" Masayang bungad niya sa akin.
Halata rin sa mukha niya ang pagkagulat.
"Huh? Uhmm, dito ako nagrereview. Ikaw?" Balik tanong ko.
"Wow!!, Mukhang destiny yata ang nagdala sa akin rito." Biro niyang sabi "Dito rin ako nagrereview"
Napangiti naman ako sa kanya.
"Let's go inside?" Anyaya ko sa kanya.
Still, kahit na nakakaramdam ako ng stress at pressure mayroon pa rin akong makakasama dito na kakilala ko.
Medyo nahihiya pa nga ako sa kanya dahil sa nangyari sa kanila noon ni Andrew. No worries naman sa kanya iyon, kaya naman maa gumaan ang pakikitungo ko sa kanya.
---
Mabilis na dumaan ang mga araw at nalalapit na ang pinakahihintay kong Board Exam. Alam ko sa sarili ko na pinaghandaan ko ito kaya naman confident ako na makakapasa ako.
Hindi ko na rin nabanggit kay Andrew na may pagkakataon na nagkikita kami ni Liam, knowing the fact that they had a trouble before, ayaw ko ng gumawa ng panibago.
The day before the Board Exam, I received a lot of good luck messages
From Mommy:
Hi sweetie, I know you can do it.. Wish you luck and always remember that I love you
From Dad:
Good morning my Princess, Good luck and May God Bless you
From Andrew ❤️:
Hi baby, I hope you have all the energy to finish the exams.. Good luck and I am so proud of you .. I love you always.
I am so touched on their messages , knowing na nandyan lamang ang mahal ko sa buhay ay sapat na para sa kin iyon.
Bago ako pumunta sa testing center ay dumaan muna ako sa isang chapel, nagdasal at humingi ng lakas ng loob.
I surrender all my worries to HIM, And I know that he will always guide me in every step I am taking.
I am one step closer to my dreams.
Pagkatapos ng exams ay nagpahinga muna ako sa apartment ko at kinabukasan ay dali-dali akong umuwi ng Province.
BINABASA MO ANG
Friendzone or Lovezone (Completed) _University Series_
Ficção AdolescenteKapag dumating ka sa punto ng buhay mo na kailangan mong mamili, ano ba ang pipiliin mo? kung sa huli ay mawawala din pareho sayo. Pipiliin mo bang lumayo, masaktan, madurog o magparaya na lamang para sa ikakabuti ng lahat . Tunghayan natin ang kwe...