Kabanata 39:

2 0 0
                                    

Third Person's POV.:

Masayang dumalo sa event sina Kurt, Emery, at Andi. Pinaghandaan ng dalawang dalaga ang kanilang susuotin.

Si Emery ay pinili niya ang isang royal blue long gown.  Samantalang si Andrea naman ay isang simpleng Maroon above the knee na dress, and  she partnered it with white shoes. Naging abala rin kasi siya sa katatapos na volleyball cup kanina, kaya hindi na siya nakapamili ng gown at masyado siyang napagod sa laro kanina kaya naman hindi na siya nagsuot ng heels dahil hindi rin siya komportable.

"Mabuti na lamang at bagay sayo kahit anong dress ang isuot mo, you look so elegant Andi." Puri ng knyang kaibigan.

" Tss, may elegant bang naka-ubber shoes?, Ikaw kaya, halatang pinaghandaan mo ang gabing ito kahit sabit lang tayo..hahaha ." Natatawang sabi ni Andi habang inaayusan siya.

"Hindi tayo sabit okay. We got an invitation kaya VIP tayo" Sabay tawa nilang dalawa.

Pagdating nila sa venue ay namangha silang dalawa dahil pinaghandaan talaga ang gabing ito. Sa harap ay may stage kung saan may nagpeperform na banda. At mayroon ding dance troupe na sasayaw mamaya.

Umupo sila sa may tabi ng entrance.

Si Andi naman ay hindi mapakali at palinga-linga sa paligid, halatang may hinahanap.

Si Kurt naman ay sumusulyap lamang sa kanya na para bang may alam sa nangyayari at hindi masabi kay Andi kung naman ito.

"Bakit pala hindi ka sinundo ng boyfriend mo? Diba dapat kapag date sinusundo ang prinsesa?" Tanong ni Emery sa kanya.

Napabuntong hininga naman si Andi at uminom ng wine. Napapikit pa siya dahil naramdaman niya ang init ng likido na dumaloy sa kanyang lalamunan.

"Sa-sanay ka bang uminom n'yan Andrea?" Tanong ni Kurt sa kanya at nagkatinginan sila ni Emery.

"Masasanay din. Masarap pala." Sabay simsim ulit sa wine.  "Hindi ko alam kung bakit hindi niya ako nasundo, siguro may surprise siya sa akin." Sabay ngiting aso niya sa kaibigan.

Nagkatinginan lamang ang dalawa, dahil hindi sila sanay na ganito si Andi.

"Ayos lang ba yang braso mo?" Pag-iiba ni Kurt sa usapan.

"Huh? Ahh. A-ayos lang naman. Mawawala rin ang pamamaga nito. Nabugbog lang sa paghahampas ko ng bola." Sabay ngiti niya.

Kahit pagod na pagod si Andi ay pinilit niyang makadalo sa event na ito, nagtatampo na rin si Arson sa kanya dahil hindi man lang raw siya maihatid sa airport.

Nakuha naman ang atensyon nilang tatlo ng may pumasok sa bukana ng hall. Nakita ni Andi kung paano pinagkaguluhan ng lahat ang pagpasok ni Shantal at Andrew. May mga kumukuha rin ng photos sa kanila. Para silang nasa isang premier night ng isang pelikula.

Napakaganda ni Shantal, kitang kita kung gaano kataas ang estado niya sa buhay. Sa kabilang banda naman ay ang napaka-gwapong si Andrew, bagay na bagay sa kanya ang kanyang tuxedo.

Ngiting-ngiti silang dalawa sa bawat click ng camera. Inayos pa ni Andrew ang gown ni Shantal. At hindi rin ito nakawala sa paningin ni Andi.

Makikita sa mukha ni Andrea ang pait na kanyang nararamdaman, nag-aalala na ang dalawa sa kanya dahil muli itong uminom ng isang baso ng wine.

"Gurl, tama na yan. Baka malasing ka." Pag-aalalang suway ni Emery.

"Ano ka ba Ems wine lang ito. Paano ako malalasing." Pabirong sabi niya.

Friendzone or Lovezone (Completed)  _University Series_ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon