Kabanata 28:

1 1 0
                                    

Andrew's POV:

"Ang tanga-tanga ko bro. Mas pinakumplikado ko ang sitwasyon. Sana hindi ko na lang muna inamin sa kanya. Mas gumulo tuloy."

"Oo bro. Buti alam mo. Kahit siguro ako si Andi hindi ako maniniwala. Alam mong kagagaling mo lang sa break-up tapos may gusto ka na agad na sa kanya." Si Kurt.

Narito kami ngayong dalawa sa library, Naikwento ko nga sa kanya ang nangyari kagabi.

"Hindi ko na rin kasi talaga mapigilan. Totoo naman kasi, unang kita pa lang namin dalawa noong umaakyat siya sa puno ng mangga, ramdam kong iba kabog ng puso ko. " Sabi ko.

"Ang sakit no bro. Na-friendzone ka. Hahaha.. Ang G*go mo kasi. Sana nagpalipas ka muna ng panahon bago ka umamin. Timing ba! Timing" Sabay tawa ni Kurt na sabi sa akin. Binatukan ko naman siya.

Si Kurt rin ang madalas kong mapagkwentuhan tungkol sa buhay ko, maliban kay Andi. Syempre sa sitwasyon naming dalawa ngayon hindi ko alam kung ayos pa ba ang pagkakaibigan namin.

Hindi ko siya nakita kaninang umaga, inaabangan ko siya sa labas ng gate nila. Pero wala, isasabay ko sana siya at para humingi na rin ng despensa sa nangyari kagabi, pero walang lumabas na Andi.

Kaya naman ngayon kasama ko si Kurt dito sa library, hindi ko nga alam kung nakakatulong ba siya sa problema ko dahil pinagtatawanan ako at pinapamukha sa akin ang pagkakamali ko.

Pagkatapos bnamin tumambay sa library ay nagpaalam na sa akin si Kurt na pupunta raw siya sa Starlight Cafe. May magandang babae raw kasi siyang niniligawan roon.

Napapansin ko nga rin sa kanya na halos araw-araw siyang tumatambay doon, eh sa pagkakaalam ko hindi naman mahilig sa kape ang taong yan. At hindi marunong manligaw.

---

Pumunta ako sa gym upang tingnan kung mayroon bang practice ang varsity players. Pero pagkasilip ko, wala ni isang naglalaro maliban na lamang sa mga janitor na nagma-mop ng floor.

-Pumasok kaya siya?-

Habang ako ay abala sa paghahanap kay Andi ay nakita ko si Shantal at Lexi sa di kalayuan. Naglakad sila papunta sa building namin.

Ewan ko ba, pero sa tuwing makikita ko na si Shantal may namumuong galit sa sarili ko. Siguro epekto na rin ito ng mga pinaggagawa niya kay Andi. Hindi naman sa kinakampihan ko si Andi pero mali na talaga ang pinaggagawa ni Shantal, hindi na makatao. She's using her influence to control others and that's what I hate the most.

Nakita ako ni Shantal at dali-daling lumapit, may ibinulong siya sandali kay Lexi at nauna na ito sa building.

"Andrew, I-im sorry for all the things that I did. I really mean it." Nakayukong sabi niya sa harap ko.

Ako naman ay matabang lang na nakatingin sa kanya. Hindi ko alam kung magrereact ba ako o hindi ko na lang siya papansinin.

Pero kabastusan naman kung tatalikuran ko siya.

"You know what Shanty?, You're being childish, para kang high school student na nangbubully ng isang transferred student. Be matured enough and act on your age. Have a good day." Matamlay kong sabi sa kanya at tinalikuran ko na. Hindi ko na hinintay ang magiging reaksyon o sagot niya.

Ayaw ko ng lumaki pa ang diskusyon naming dalawa at may masabi pa ako na ikasasakit niya.

Maghapon akong tulala sa klase, nagaalala ako kay Andi. Kaya naman hindi ako makapag-focus hindi ko na rin maintindihan ang dinidiscuss ng prof dahil siya lamang ang tumatakbo sa isip ko.

Friendzone or Lovezone (Completed)  _University Series_ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon