Kabanata 40:

2 0 0
                                    

Andrew's POV:

Binalot ako ng kaba ng marinig ko ang pamilyar na boses ni Andi.

Agad kong kinuha ang cellphone ko, I dialed Kurt's number to call him.

"Hello, bro. Andi's in trouble!, Tumawag ka ng pulis at pumunta sa  Fine Street, bilisan mo.." Then I hanged up.

Hindi ko na hinintay na sumagot siya.

"Tulong!!! Huwag po!" Rinig kong sigaw ni Andi.

Kaya naman hindi na ako nag-aksaya ng panahon at tinakbo ko ang distansya niya.

Grabe na lamang ang galit ko nang makita kong sinikmura ng lalaki si Andi. Agad siyang natumba sa sahig.

Nang makalapit ako ay agad kong sinuntok sa mukha ang lalaking nanakit kay Andi.

Sa sobrang galit ko ay halos basagin ko ang pangit niyang mukha.

"S-sino ka ba at nangingi-alam kang G*go ka?" Singit naman ng matangkad na lalaki.

Sinuntok niya rin ako sa mukha. Napasandal ako sa pader, hindi ko ininda ang suntok niya dahil ang nasa isip ko lamang ay si Andi. Na ngayon ay nakahandusay.

This is all my fault, tama nga si Kurt g*go ako dahil mas pinaniwalaan ko pa si Shantal kaysa sa sarili kong girlfriend.

Hinawakan ako ng dalawang lalaki sa magkabilang braso at tsaka ako pinagsusuntok  sa sikmura. Halos mapaluhod na ako.

Nagkatitigan kami ni Andi. Bakas sa mukha niya ang sobrang takot.

"Huwag po.....please!!!.. tama na!!" Sigaw niyang umiiyak.

Kinabahan ako ng sinabunutan ng matangkad na lalaki si Andi at ipinilit itong itinayo at sinandal sa pader.

"Ahhhhh!!!...Andrew!!!!..." Sigaw niya.  "Wag po...please....." Pagmamakawa niya.

Gusto kong kumawala, ngunit masyadong mahigpit ang pagkakahawak ng dalawa sa akin.

"Napakabango mo talaga binibini... Gusto lang naman kitang tikman." Sabi ng lalaki at para itong demonyong tumawa.

Hinawakan ng lalaki ang legs ni Andi. Nagpupumiglas si Andi, ngunit masyadong malakas ang lalaki.

"Andrew!!!!....Hmmpp..... P-please.... Wag po..."

Then, it's my que. Sinipa ko ang pagkalalaki ng sumusuntok sa akin.

Namilipit ito sa sakit, kaya naman kinuha ko ang pagkakataon na ito upang kumawala sa dalawa. Kinagat ko ang kamay ng nasa kaliwa ko at tsaka ko naman siniko ang nasa kanan ko.

Habang sila ay namimilipit sila sa sakit.  Agad kong nilapitan si Andi.

Napansin ako ng matangkad na lalaki, itinulak niya si Andi sa may poste at napahampas si Andi roon.

"Andi!!!" Sigaw ko.

Pinagsusuntok at sipa ko ang lalaki hanggang sa manghina ito.

Nilapitan ko si Andi na ngayon ay nakahandusay sa kalsada at nanghihina.

May sugat siya sa kanang bahagi ng kanyang noo, may dumaloy na dugo.

"I-i'm sorry baby..." Bulong ko sa kanya.

Patuloy pa rin siya sa paghikbi.

Hindi ko napansin at hinila akong muli ng lalaking may tattoo at sinuntok ako sa mukha.

Friendzone or Lovezone (Completed)  _University Series_ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon