Kabanata 5:

7 4 0
                                    


Andi’s POV:


Two weeks later…

Starting that day, We are getting to know each other hindi ko inaasahan na dahil lamang sa mangga ay  magkakakilala  kami ni Andrew. Si Andrew na anak ng bestfriend ni mommy.

Palagi na siyang pumupunta ng bahay may dalang pagkain, madalas din kaming nagkaka-kwentuhan sa mga iba’t ibang bagay na wala namang kabuluhan, until I recovered from my injury.

I never expected that  I am going to have a friend like him, jolly, protective, and corny din sa mga jokes niya.

Lagi na kaming magkasama ni Andew, palaging nagkukwentuhan, nanununood ng movies sa bahay namin or sa kanila, at minsan kapag walang magawa sa gabi tinatawag ko siyang pumunta sa amin para mag-star gazing. Ewan ko ba gustong-gusto ko nakakakita ng maraming stars, kaya ngayon heto kami sa may garden nakahiga sa damuhan.

“Ang bilis ng panahon no,dati strangers lang tayo, tapos ngayon sobrang close na natin sa isa’t isa “ Sabi ko habang nakatingin sa mga bituin.

“Oo nga, napagkamalan pa nga kitang magnanakaw eh, hindi ko kasi alam na may anak pa palang babae si ninang Sagot naman nito.

“ Ang ganda pa ng anak niya di ba” Sabi ko naman ng pabiro.

“Wow. Confident ah, saan naman banda..” bBirong sabi naman nito.

Edi wow!! .. Ang pogi mo talaga KUYA Andrew..” Sarkastikong sabi ko naman dito.

Ayaw na ayaw niya na tinatawag ko siyang kuya, 2 years ahead lang naman daw siya kaya no need to call him kuya.

But honestly gwapo naman talaga si Andrew, matangkad, maputi, maganda ang pangangatawan, matangos ang ilong, mahaba ang pilik mata, manipis ang labi at higit sa lahat  may dimples sa kaliwang pisngi which makes him cuter..

Sorry naman po Keith.” pinagkaka-diin niya talaga ang Keith, alam niya kasing ayaw ko na tinatawag ako na Keith, masyado kasing sosyal kapag pinopronounce nila ang Keith, masyadong maarte. “ Pero, yong salitang pogi totoo yun, marami kayang nagkaka-crush sa akin, at inlove na inlove sa akin si Shantal.”

Tsss…” sulyap ko naman dito.

Si Shantal Mariz Cruzada siya  pala ang girlfriend ni Andrew, 3 months na rin daw sila but I never meet the girl. Hindi rin namin kasi siya gaanong pinag-uusapan.

“ Buti hindi selosa yang girldfriend mo?”  tanong ko.

“ Hindi naman,.” Maikling sagot nito habang nakatitig sa langit.

“ Eh .. sa akin hindi ba siya nagseselos?” Curious kong tanong.

“Hindi naman siguro, I explained to her that you’re a very close friend of mine, and she understands it.”

Okay, kilala mo naman ako tahimik lang akong tao , ayuko ko lang masangkot sa mga gulo. At ma-expose ang kagandahan ko." Biro ko namang sagot.

Oo, tahimik akong tao, I never get involved in any fight before. Palaging ako ang umiintindi sa sitwasyon.

-FLASHBACK-

Naalala ko pa noong high school ako, Fourth year ako noon mayroon akong kaibigan si Lexi mayroon siyang crush , palagi niya itong kinukwento sa akin.

Halos araw-araw niyang bukang-bibig ang crush niya sa tuwing magkikita kaming dalawa. Until one day , saktong valentines at sa school ay mayroong event may mga iba't ibang booth.

Papunta ako sa canteen noon para maglunch kami ni Lexi hinahanap kung saan siya naka-upo. Nang may biglang naglagay ng piring sa mga mata ko, May umalalay sa akin hanggang sa nakarating kami sa kung saan.

Pagka-alis ng piring sa akin ay nagulat ako ng ang kaharap ko ay ang crush ni Lexi . Nasa blind date booth pala kami naghihiyawan na ang mga ibang students, at nakita ko si Lexi na naiiyak. Wala akong magawa dahil kahit ako ay hindi ko inaasahan ang ganoong set up.

After ng pangyayaraing iyon ay inaway ako ni Lexi at nag-eskandalo siya at ako pa ang nagmukhang may kasalanan. Nagpaliwanag ako, pero kahit kailan hindi siya nakinig simula noon ay nanahimik na lang ako at simula no'n ayaw na ayaw kong masangkot sa gulo dahil kahit anong gawin ko walang makikinig sa akin.



-END OF FLASHBACK-


Napalingon siya sa akin sa mga huling sinabi ko. Natatawa na lang ako dahil sa natatawang reaksyon ng kanyang mukha.

        "Ano? Kagandahan meron ka ba nun?" Natatawang sabi niya.

Tiningnan ko lang siya ng masama. Ginamit niya ang kanyang dalawang kamay upang gawing unan.


Hindi namin namalayan ang oras at mag 11:00 na pala ng gabi, hanggang sa nakatulog na kami sa may damuhan. Kinaumagahan paggising ko nakahiga na pala ako sa kanang braso ni Andrew at ang himbing pa rin ng tulog niya. At nagulat ako ng may narinig akong pagclick ng camera at kita ko ang ngiti sa mga mukha ni mommy at tita.

“Ang sweet niyo namang dalawa.” Sabay na sabi ni mommy at tita.

Kaya naman napabalikwas ako ng bangon, at itong si Andrew ang himbing pa rin ng tulog, haiysstt… walang pakiramdam. Kaya naman hinampas ko siya sa braso, at nagulat siya.

Hmmmm… mommy ang aga pa.” sabi niyo habang nakapikit at nag eestretch.

"Mommy ka dyan! Gumising ka na nga nakakahiya." Sigaw ko sa kanya ngunit nakapikit pa rin siya at walang pakialam sa paligid.

Ako naman ay tumakbo na papasok sa bahay, at pakiramdam ko nag-iinit ang pisngi ko.

Pagkasarado ko ng pintuan ng kwarto ay napasandal ako sa likod ng pintuan at napahawak sa magkabila kong pisngi.

Ano ba yan nakakahiya, mukhang napahaba ang kwentuhan namin ni Andrew. Haiiysssttt bwenas na  yan at hindi ko man lang namalayan…” Sabi ko sa aking sarili. Naihalamos ko na lang ang dalawang palad ko sa aking mukha.

After 10 minutes na nakatulala ay napagdesisyunan ko na ring maligo at mag –ayos ng sarili.

I am wearing a gray T-shirt and black jogging pants. Hindi kasi ako nagsusuot ng maikling shorts depende kasi sa mood ko kung kailan ko gusto,  never pa nila ako nakitang mag suot ng sexy na damit. Hindi naman sa tomboy ako, pero madalang lang talaga ako panamit ng mga damit na sexy. Hindi kasi ako confident.

Sinasabihan nga rin ako ni mommy na mag-ayos at magpagupit ng buhok, may kahabaan na rin kasi at hanggang sa may siko ko na ito.pero ayaw ko....

After kong mag-ayos ay bumaba na rin ako para kumain ng breakfast. Hindi pala breakfast brunch na pala. Dahil 10:00 na ako bumaba.


***

Thank you for the endless support.

Don't forget to vote, comment and follow for more updates

Take Care friend 🙂

All Rights Reserved. Friendzone/Lovezone

Friendzone or Lovezone (Completed)  _University Series_ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon