Andi's POV:
"Dok, bakit hindi pa nagigising ang anak ko? Buong araw na siyang tulog?" Boses ni Dad.
" Sir your daughter was drunk, epekto ng alcohol yan kaya hanggang ngayon unconscious pa rin siya"
"Anjeanette?, Kailan pa natututong uminom ang anak natin?"
Nagising ako sa ingay na naririnig ko sa paligid, hinang-hina ako at hindi ko maimulat ang aking mga mata.
Panigurado akong boses ni Dad ang naririnig ko.
Inaalala ko kung ano ba ang nangyari last night.
Nakaramdam ako muli ng kaba.Pakiramdam ko nasa paligid lang sila and anytime pwede nila akong saktan.
"Huwag po!!!!" Sigaw ko at napamulat ako ng mata.
"A-anak ... It's okay ligtas ka na." Si mommy at hinalikan ako sa noo.
Muling tumulo ang luha ko.
"Mommy. Nasaan po si Andrew? Nasaan siya?" Nag-aalalang tanong ko.
"Shessshhhh... He's okay." Tsaka siya lumingon sa may tabing bintana. And I saw him standing with worried eyes.
He has bruises on his face, may sugat sa labi at band aid sa noo. I can see on his face how relief he was.
As I look at him, naalala ko ang nangyari kagabi sa event. Yeah, hindi pala ako ang date niya at ako rin ang nag-cause ng trouble.
---
The doctor check on me, and asked questions kung may masakit pa sa akin. Si mom and dad naman ay lumabas ng room para bumili ng pagkain sa labas, kaya naman naiwan kaming dalawa ni Andrew sa room.
Binalot kami ng katahimikan, hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin. I can feel the awkwardness between us.
I tried to reach the bottled water on the side table. It's a cue for him para lumapit at kausapin ako.
Inabiot niya sa akin ang bottled water at inalalayan akong inumin ito.
He can't look at me directly.
"I-i'm sorry, baby. Sa-sana hindi ako nakinig kay Shantal hindi sana nangyari sayo ito."
Napatingin naman ako sa bintana, pakiramdam ko anytime tutulo na naman ang mga luha ko. Hindi ko alam pero pagdating sa kanya ang bilis kong maging emosyonal, hindi naman ako ganito dati.
"Sa-sana nga hindi mo na lang ako ininvite sa event na iyon." Sagot ko at napairap sa kanya.
Napabuntong hininga naman siya at napayuko, binalot kami ng katahimikan.
"I-i'm really sorry. And thank you dahil ligtas ka." Bulong niya.
Parang nanlambot ako ng marinig ko ang malungkot na boses ni Andrew, and it melts my heart.
Ang tagal namin hindi nakapag-usap at bonding tapos in just one snap, nasira iyon. Iyong masaya sanang gabi ay napalitan ng lungkot at trauma sa akin.
Napapikit ako at muli kong naalala iyong lalaking humawak sa hita ko, kung paano niya amuyin ng buhok ko.
Hindi ko namamalayan at nanginginig na pala ang kamay ko. Hinawakan ito ni Andrew pero nagulat ako.
"Huwag po.. plss!!" Biglang sabi ko at napatakip pa ako sa tenga.
BINABASA MO ANG
Friendzone or Lovezone (Completed) _University Series_
Teen FictionKapag dumating ka sa punto ng buhay mo na kailangan mong mamili, ano ba ang pipiliin mo? kung sa huli ay mawawala din pareho sayo. Pipiliin mo bang lumayo, masaktan, madurog o magparaya na lamang para sa ikakabuti ng lahat . Tunghayan natin ang kwe...