Kabanata 42:

2 0 0
                                    


Andrew's POV:

Halos lumundag ang puso ko ng mapatawad ako ni Andi. 

" Isang lapit mo pa sa kanya, kalimutan mong may Andrea Keith Del Mundo na dumating sa buhay mo."

" Isang lapit mo pa sa kanya, kalimutan mong may Andrea Keith Del Mundo na dumating sa buhay mo."

Halos magpaulit-ulit sa isip ko ang mga sinabi ni Andi.

To be honest, hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang sitwasyon ko. Siguro tama nga siya dahil pagdating sa Daddy ko ‘duwag ako’, hindi ako makadesisyon sa sarili ko, lahat ng pangangailangan ko ibinibigay niya na parang hawak ako sa leeg.

-Flashback-

Kinaumagahan matapos ang insidenteng nangyari ay pinapunta ako ni Dad sa opisina niya.

"Have a seat" Utos niya ng makapasok ako sa office niya.

"Salamat po Sir" sagot ko.

"Look at you Andrew, dahil sa isang babae halos masira ang pangalan ko kay Mr. Cruzada. Ano ba ang iniisip mo ha?"

"S-sir, nasa panganib po yung girlfriend ko, ka-kailangan niya ako!" Nagkuyom ang kamay ko sa sobrang galit na naramdaman ko.

"That's the point edi sana hindi mo siya inimbatahan sa event na yun, alam mo naman nagpapabango ako ng pangalan kay Mr. Cruzada, para in-time ikaw ang magtake-over sa project na gagawin ko!" Sigaw nito sa akin.

Sumimsim siya ng alak na hawak niya at inilapag ito sa lamesa.

"It's just a girl, Andrew!! Ang gusto ko para sayo ay si Shantal. "

It triggered me at hindi ko na napigilan ang sarili ko.

" Just a girl? That girl na sinasabi mo ay mahal ko, huwag mo ako itulad sa inyo na ang daling ipinagpalit si mommy!"

"Bastos ka!!" Rinig na rinig ko sa buong opisina ang boses niya. Kitang kita ko ang pamumula ng kanyang mukha.

Tumayo ako at tatalikod na ng muling magsalita si Dad.

Tumawa pa siya ng bahagya.

"Go on Andrew, Do what ever you want, sisiguraduhin ko na hindi makaka-graduate sa Wins U si Andrea Keith Del Mundo." And that stopped me, at napalingon sa kanya.  " Wala kang pinag-iba sa mommy mo!!"  Pahabol niyang sabi.

Napailing ako sa sinabi niya. Ngumiti naman siya ng bahagya, alam ko naman na tio ang gagamitin niyang Alas para mapasunod ako sa bawat sasabihin niya.

"Now, you think Andrew pag isipan mo ng mabuti ito kung ayaw mong masira ang future ng babaeng iyon. Aayusin ko ang kaso ninyo at siguraduhin mong susunod ka sa bawat sasabihin ko."

Friendzone or Lovezone (Completed)  _University Series_ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon