Kabanata 14:

3 3 0
                                    


Andi's POV:

Kagabi pa lang ay inihanda ko na ang mga gamit ko, namiss ko rin pumasok ng school.

Maaga akong gumising, naligo at nagbihis. Naka-v neck t-shirt ako na kulay pink at high waist maong pants at converse na black shoes. Ito ang madalas kong outfit sa tuwing lumalabas ako. Since hindi pa naman required ang uniform kaya ganito na muna ang pormahan ko.

Bumaba na ako para kumain ng breakfast.

"Ganyan na naman ang outfit mo anak? Ang dami-dami mong magagandang damit ahh.." Sita ni mommy sa akin.

"Mas komportable po ako sa ganito tsaka first day of class pa lamang naman po." Sagot ko.

"Ano naman ngayon Anj. Kahit anong suotin ng anak natin maganda pa rin siya." Sabat naman ni Daddy.

Binigyan ko naman ng matamis na ngiti si daddy. Si mommy naman ay napailing na lang.

Pagkatapos kong kumain ay pumunta na ako sa kanila Andrew para makisabay.

Pagkarating namin sa school ay nagmadali na akong umakyat sa sobrang excitement ko.

Ang dami pa lang students dito. Halos mapuno ang first floor. Tama nga ang sabi ni Andrew ang haba palagi ng pila sa elevator. Kaya naman maghahagdan na lamang ako paakyat.

Nang may biglang tumulak sa likuran ko at natamaan ang nasa harap ko.

"What the hell!" Sigaw ng babae.

"Pasensya na may tumulak ka---" Naputol ang sinasabi ko dahil namukhaan ko ang babae.

Siya si Victoria Secret sa coffee shop, na nakasagutan ko.

"Ikaw? Wow... Anong ginagawa mo rito ? Di ba ikaw yung nagtatrabaho sa coffee shop. Tingnan mo basa  na ang damit ko."  Galit na sabi niya.

Natapunan kasi ng tubig ang damit niya.

" Sorry  miss. May tumulak kasi sa likuran ko. Hindi ko sinasadya." Saad ko.

"Magdadahilan ka pa. Ang sabihin mo sinasadya mo."  Galit na galit niyang sabi.

Nagtitinginan na ang ibang estudyante kaya naman tumalikod na ako at umakyat.

"Naku, Sa dami ng mababangga niya si Shanty pa talaga."  Bulong ng isang student.

"Ang bastos mo naman, kinakau---

Lumingon ako at nagsalita.

"Humingi na ako ng sorry, at kung hindi mo matanggap iyon. Ikaw na ang bahala. Pasensya na pero nagmamadali ako."

Nang umaakyat na ako ay narinig kong may tumawag sa kanya ng Shanty..

"Shanty!!" Sigaw ng kung sinuman

Hindi ko na lamang pinansin ito at nagmadali na akong umakyat.

Kahit anong paliwanag ko, hindi naman ako papakinggan ni Victoria secret girl. Sinabi ko ng di ko sinasadya at humingi na rin ako ng sorry pero wala...

Umakyat na ako sa floor ng Teacher Education. Unang araw pa lang, mukhang magugulo ang mundo ko dito sa  Wins. U.

Wala naman na akong ibang choice, dahil ito ang pinakasikat na University sa Syudad.

Friendzone or Lovezone (Completed)  _University Series_ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon