Kabanata 37:

2 0 0
                                    

Andi's POV:

Naging abala ako acads ko at pagiging varsity player, madalang kaming magkausap ni Andrew. Madalas sa pag-uwi na lamang kami nagkakasabay, minsan ay nauuna na siya dahil dumideretso din ako sa starlight cafe para magpart-time.

It's our daily routine, hindi na rin ako nagrereklamo kung magkasama sila ni Shantal, dahil sa sitwasyon namin tiwala dapat ang mayroon kami. 

This is going to be a long run for the both of us, trust, jealousy, and ofcourse love hindi dapat ito mawala.  I don't want to overthink anymore that's why I go with the flow. As long as we both know our limits.

Ngayon ay nasa gym ako dahil may practice kami for the upcoming National volleyball Cup, kung saan kasali ang iba't ibang universities dito sa bansa. At syempre kailangan namin makuha ang tropeyo mula sa Redford University ang mortal na  kalaban ng Winston University.

And it's also my challenge for myself, lalo na at this is going to be my last year as varsity player. Next school year kasi ay graduating na ako at kailangan kong magfocus sa studies ko.

Mauuna akong makaka-graduate kay Andrew, ang  kurso kasi niya will take him 6 years or more before he can graduate.

I am also happy that we've been together for almost a year, hindi ko akalain na magtatagal ang relasyon namin. And until now, we never told anyone what we have , siguro may nakakahalata na but they never voice out. Maganda na rin yun at makakaiwas ako sa gulo at tsismis.

I hate gaining to much attention.

***

Pagkauwi ko ng bahay ay wala sila mommy at daddy, tanging si manang lang narito.

"Manang nasaan sila mom at dad?" Tanong ko ng maka-upo ako sa sofa at sinandal ang aking likod upang magapahinga saglit.

" Pumunta silang Maynila, may kikitain raw"

Napakunot naman ako ng noo at nag-isip, never pang pumunta sila mommy at daddy sa Manila para sa business.

"Hindi nila sinabi kung ano ang pakay nila." Sagot ni manang , nakuha niya siguro ang naging reaksyon ko.

Pagkatapos kung magpahinga ng ilang minuto ay kumain na kami ni manang ng dinner at pagkatapos ay umakyat na ako sa aking kwarto.

Pagkahiga ko sa kama ay tumunog ang aking cellphone.

[ 1 message received]

Andrew ❤️:

How's your day baby?
I miss you❤️

Me:

Tiring..

Nakipag-usap lang ako sa kanya ng mga ilang minuto. Binanggit nga niya sa akin na may upcoming ball sila exclusively for archi.  and  Engr.  Department . And he said that they can have their plus 1. I can sense how excited he is.

Sinabi ko sa kanya na after ng finals ng volleyball cup iyon. Hindi ako sigurado kung makakasama ako, kinulit niya ako hanggang sa napilit niya rin akong makasama.

Halos ayaw kong pumunta dahil out of place lang ako roon. Pero sabi niya aattend din daw si Kurt at Emery kaya no need to be worried, hindi ko lang masabi sa kanya na pagod ako sa araw na iyon. Pero pipilitin kong umattend para hindi siya madisappoint. Madalang na rin kasi kami magkita at magkasama kaya pumayag na rin ako and I miss him too.

Hindi ko namalayan ang oras at nakatulog na pala ako.

Maaga akong pumasok para sa morning subjects ko at practice na rin.

Friendzone or Lovezone (Completed)  _University Series_ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon